Kabanata 7

293 3 0
                                    

Argue.

Padabog na nilapag ni Daddy ang mga litrato sa harapan ko. Nanlamig ako matapos kung makita iyon.
Si Kane iyon at Astre limang litrato iyon.
Ang una sa kotse, nagtatawanan ang dalawa
Sa pangalawa naman sa parking lot, inaalayan ni Kane si Astre papasok ng sasakyan.
Ang pangatlo naman ay sa isang Restaurant kumakain ang dalawa.
Nanikip ang dibdib ko matapos kung makita ang pang apat.
Si Kane na nakangiti habang may binubulong sa Astre na iyon.
Para akong nadurog matapos kung makita ang pang lima. Did just Kane kiss Astre?
Pano nangyari iyon? Totoo ba ito? Hindi ba ako nanaginip lang?! Pano nya nagawa sakin to!

"Matapos mong ipagtanggol sakin ang lalaking yan, matapos mo akong suway suwayin sa lahat iyan lang ang gagawin nya sayo? Ano sege ipaliwanag mo nga sakin iyan Gaia."

Napabaling ako sa aking Amang galit na galit sakin ngayon.

"Saan nyo po iyan nakuha? Saan po galing yan Daddy?"

"Hindi na mahalaga kung saan ko iyan nakuha! Kung kanino iyan galing! Lagi mong sinasabi saking matino ang lalaking iyan! Tapos ganyan ang gagawin nya? Saan na iyong pinagmamalaki mo Gaia? Hindi bat hindi ako nagkakamali! Makipag hiwalay ka sa lalaking yan ngayon din!"

"No! Baka nagkakamali ka lang baka hindi sya yan Dad! Hindi ganyan si Kane! Kilala ko sya hindi nya ako lolokuhin Daddy! Mahal na mahal ako nun!" Naiiyak kung sabi.

"Bakit po ba kayo gumagawa ng paraan para saktan ako ng ganito Dad? Bakit po? Bakit nyo po sya sinisiraan sakin?"

Hinding hindi magagawa ni Kane sakin ito.

Hindi.

"At kasalanan ko pa talaga bat nahuli yang boyfriend mo sinisisi mo pa talaga ako? Hindi bat dapat nag pasalamat ka sakin?"

"Kung ayaw nyo sa kanya, sana ay hinayaan nyo nalang kami! Hindi ko pinipilit si Kane sayo para magustuhan mo para sakin Daddy! Ilang beses ko na po bang sinasabi sa inyo na wag kayong mag desesyon para sa sariling kaligayahan ko! Hinding hindi ako lolokuhin ni Kane Dad! Hindi po kami magtatagal ng ilang taon kung manloloko sya!"

Masama ang sumagot sa mga Magulang pero ko na kinakaya ang ginagawan sakin ni Daddy. Hindi nya ba alam na nasasaktan ako? Bakit hindi nya nalang ako hayaan. Sariling interes nya lang ba talaga ang importante sa kanya?

"Nagtagal kayo dahil hinayaan ko anak."

I starred at my Father blankly.

"Nagtagal po kami dahil hindi sya ganoong tao. Gaya ng iniisip mo Dad. Please leave Kane alone. Walang ginagawa yong tao sa inyo."

"Nagtagal kayo dahil binibigay ko sayo ang gusto mo. Lalong lalo na iyang relasyon nyong walang patutunguhan. Hindi ba pwedeng ginagawa ko ito para sa iyo?
Para mapanatag ako? Matanda na ako Gaia Ierene. Gusto ko lang mapunta ka sa tamang tao.
Matapos kung ibigay lahat sa inyo ng mga kapatid mo ganito lang gagawin nyo sa amin ng Mommy mo?
Ngayon pina-pangaralan kita dahil sa lalaking yan ako pa ang masama? Anong klase kang anak?"

Napahikbi ako matapos kung marinig iyon sa sarili kung Ama.

"Dad. Tinatanong nyo ako kung anong klase akong anak? Talaga po ba! Daddy alam kung alam mo simula pa noon sinusunod ko na ang lahat ng gusto nyo! Maliban lang sa relasyon namin ni Kane! Alam nyo po yan! Naging mabuti naman akong anak sa inyo Dad.
Hindi po ba sapat yong pagsunod ko sa inyo noon.
Hindi po ba sapat yong pakikipag kita ko sa lalaking gusto nyo para sakin kahit alam kung nasasaktan yong Boyfriend ko kahit hindi nya sinasabi sakin!
Daddy kahit ito lang oh. Kahit ito lang po parang awa nyo na Dad. Give Kane a chance.
Hindi nyo po kailangan siraan yong tao sakin. Kase Dad kahit anong gawin mo hinding hindi magbabago ang tingin ko sa kanya.
Nag mamakaawa ako sa inyo. Hindi mo ba naiisip na kaya ayaw kung umuwi dito sa Bahay? Kase laging ganito yong eksena eh. Nakakapagod na po sobra.
Nakakapagod na pong maging anak mo.
Napupuno na po ako kaka pilit nyo ano po bang kasalanan nong tao sa inyo? Bakit kailangang ganito?"

"Gusto ko lang anak, kung ano ang nakakabuti sayo. At yang Kane na iyan ang hindi tamang tao sayo. Masyado kang hulog na hulog. Hindi iyan nakakabuti sayo."

"At ano ang tama para sakin? Ang sundin ang gusto mo? Igagaya mo ako kay Mommy? Ganon po ba?"

Napaangat ng tingin si Daddy sakin matapos kung sabihin iyon. Nakita ko kung pano sya natigilan matapos kung sabihin iyon sa kanya.

"Anong karapatan mong e kompara ang sarili mo sa Mommy mo? Magkaiba kayo! Ang Mommy mo kahit kailan hindi binigo ang Papa nya sa lahat! "

"Yon na nga eh. Oo na Dad suwail na akong anak sa paningin mo. Pero hinding hindi po ako gagaya kay Mommy. Na pati sarili nyang kaligayahan titiisin nya masunod lang ang Lolo! Ayokong habang buhay pagsisihan lahat. Kaya hayaan nyo na ako pagod na pagod na ako."

"Makipag hiwalay ka na sa lalaking iyan gusto ko lang kung anong tama at nararapat na tao sayo."

"Isang beses ka na din namang ganito hindi po ba? Bakit hindi nyo ako pagbigyan at hayaan na lang sa gusto ko?! Wag nyo na pong pakialaman ang buhay ko. Kase nong nambabae ka wala kang narinig samin ni Mommy Dad. Remember?
Nong pinakilala mo samin si Ryker noon.
May narinig kaba samin? Pinagsalitaan kaba ni Mommy ng masama hindi po ba diba?
Tinanong ba kita noon kung pano mo nagawa samin ni Mommy iyon?
Kung pano nyo kami nagawang lokohin sana pala sayo laging tinanong ni Veda kung bakit may ibang Mama si Ryker.

Hndi mo alam kung pano nahihirapan si Mommy everytime Veda Asked Mom about your stupid Mistress! Hindi mo yon alam kase lagi ka namang wala! Hindi ko alam kung sa trabaho kaba talaga busy o sa babae mo!
Araw araw siguro dinadalaw ng konsensya ang Mommy kung bakit hindi nya naipaglaban ang sarili nyang kaligayahan dahil sa inyo. Kaya tama ka hinding hindi ko e ko-kompara sarili ko sa Mommy.

Natahimik si Daddy matapos kung sabihin iyon.
Ang hirap pala pag punong puno ka na. naiilalabas mo lahat ng hinanakit mo sa tao.

"Matagal ko na pong tinatago tong sama ng loob ko sa inyo Daddy. Ngayon lang po ako nagkaroon ng lakas ng loob sabihin sa inyo to after so many years. Sa wakas nasabi ko na din po sa inyo. Pero Dad? Pano nyo po nagawa samin iyon? Hindi po ba kami sapat ni Mommy sa inyo? May kulang po ba sa Mommy? Nong ginawa nyo iyon sa kanya, dinalaw kaba ng konsensya? Binigay ni Mommy lahat sayo. Hindi ko nga alam kung nanatili lang ba sya sayo hanggang ngayon dahil Mahal ka nya o gusto nya lang ng boung Pamilya para sa mga anak nya. Noon ba tinatanong mo sya kung okay lang ba sya? Pagkatapos mong umamin sa kanya?"

"Gaia. An-"

Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin.

"Nevermind Dad." I smiled sadly at him.

"Ito na po yong huling beses akong makikiusap sa inyo. Give Kane a chance. Hindi ko alam sang lupalop galing iyang mga litrato. Pero gusto ko lang sabihin sa inyo na. I'm sorry for the words Dad, pero Hindi gawain ni Kane ang mambabae Dad. Wag mo syang igaya sayo.

Pinulot ko ang mga litrato at lumabas sa kanyang opisina matapos kung sabihin iyon sa kanya.
Mahal ko ang Ama ko. Pero masyado na syang sobra hindi ko na kaya.

Inked Dreams (Celebrity Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now