Twins
Makalipas ang dalawang linggo di na ulit ako kinukulit ni Daddy about meeting Mico.
Hindi ko alam kung anong pinag usapan ni Kane at Dad ayaw nya rin namang sabihin sakin."Welcome back Miss. Gai! Napadalaw po kayo."
Bungad sakin ni Sister Lilith ang Madre ng Orpha Home. Na madalas naming pinupuntahan nina Shia kung may time kami but today mag isa ako.
"Hi sister Good Morning!" Sabay yakap ko sa Matandang Madre.
"Oo nga po gusto ko lang dumalaw napadaan din po ba sina Collet dito?"
"Nong Byernes po si Ma'am Collet si Ma'am Shia ang sabi'y bukas pa daw."
"Ganon po ba? Asan po ang mga bata Sister?" Tanong ko
"Nasa loob po halika't puntahan natin."
Pumasok kami sa loob ng bahay ampunan bumungad sakin ang mga batang naglalaro ang iba'y natigil nong nakita ako most of them is around 4-10 years old.
Paano nakakayanan ng ibang magulang abandunahin ang mga anak nila?
Dahil ba sa hirap ng buhay? Dahil ba hindi pa sila handa maging Ina?Hindi ba bago ka pumasok sa ganoong sitwasyon dapat handa ka? Dahil ba sa tukso?
Hindi ko alam. May kanya kanya tayong rason sa ganyang sitwasyon.
"Hi Ate Gyai!" Bati sakin ng iba sakin
"Hello Babies! " Sabay luhod ko sa dalawang magkakapagid na batang lumapit sakin.
"Si Karla at Kenjie po yan Miss. Gai" other Sister said.
"Iniwan din po ba sila dito Sister?" Malungkot kung tanong.
She smiled sadly.
"Iniwan po sila sa gate Miss. Hindi namin nakita kung sino mga Magulang nila."
"I think we should put CCTV?"
"Kaya nga po Miss. Nalulungkot ako sa mga batang ito. Nong nakita ko sina Karla at Kenji sa gate Miss awang awa ako hindi ko lubos maisip na may mga magulang na ganito."
"Hi Karla how are you?" Sabay buhat ko sa batang around 7 years old siguro.
"Pano nyo nalamang Kenji at Karla pangalan nila?"
"May iniwang papel sa lampin ng kambal Ma'am. Hindi nyo po sila masyadong nakikita dito kase madalas e sa kabilang Orpha house sila dinadala doon madalas kasing mag kakasakit itong si Kenji ngayon lang ulit sila bumalik dito."
Kambal.
"Kayo po ba ang Mama namin?" Biglang tanong sakin ng bata.
"H-hindi." Malungkot kung sabi
"Sino po Mama namin? Babalikan po ba kami? Mahal nya po ba kami Ate? Gusto namin sila makita. Kilala nyo po ba sila? Pwede nyo po ba kaming dalhin sa kanila?" Sunod sunod na tanong ni Karla.
"Hindi ko kilala Karla eh. Pero wag kang mag alala okay? Hahanapin natin sila. Hindi ako sigurado pero malay natin babalikan kayo diba?"
Bakit ko ba sinasabi ito gayong apaka imposible naman ata non.
"Mahal po namin sila kahit iniwan nila kami dito. Pero sana alam nila na masaya kami dito maraming nagmamahal samin dito."
"At sana po okay lang ang Mama at Papa namin sana po wala silang sakit gaya ko sana po mahal nila kami." Dugtong naman ni Kenjie
"Mahal nila tayo Ken ramdam ko yon sa puso ko." Ani Karla
Oh My God gusto kung umiyak.
"Nako Miss. Napaka talinong bata nyang si Karla kaya aliw na aliw si Miss Shia pag andito sya eh gustong gusto si Karla dahil ang talino at pala salita na bata."
YOU ARE READING
Inked Dreams (Celebrity Series #1) (COMPLETED)
FanfikceHindi inaasahan ni Gaia na magbubunga ang nangyari sa kanila ni Kane matapos ang hapon na iyon. Yes, she's dating the famous celebrity, D'Arcy Kane Morgan. Ngunit sa araw ding iyon nahuli niya ang kanyang nobyong may kasiping na ibang babae. Sunod...