Kabanata 12

299 0 0
                                    

Band

"Gaia, according to chemistry alcohol is the solution!" Ani Collet na ngayon ay pa ika ika na lasing na ata.

Andito kami ngayon sa isa sa mga bar na minsan na naming pinupuntahan nina Collet. She said kailangan daw namin ito para makalimot sa mga problema.

Makalimot.

Makalimot ng panandalian kase wala ka sa huwisyo pero kinabukasan pag okay kana ganon padin. Napabuntong hininga ako.

"Nandito tayo para mag party ha! Hindi para mag mokmuk lang! Nako Gaia!"

"Sorry. Hindi ko lang maiwasan."

"Oo nga naman Gai, at tsaka give yourself a break! You deserve it kaya! Wag mo nang isipin yong mga taong walang ginawa kundi bigyan ka mg sakit sa ulo!" Dagdag naman ni Shia.

"Oh my Gosh! Is that Gabe?!"

Napabaling kaming lahat sa tinuro ni Collet.

"Ang gwapo gwapo nya talaga!"

"Sino yang kasama nyang babae?" Takang tanong ni Shia

"Zafandra?" I said.

"You know her?"

"O-oo. Pinakilala ni Kane sa akin sa party ni Sir Rey last month."

Zafandra saw us. She waved at me, I smiled at her and waved back too.

"Andito ka pala! How are you?" Ani Zafandara nang makalapit na sa amin.

"I'm okay. Ikaw? Anyway this my friends Shia, Chantyl and Collet. "

Pagpapakilala ko sa mga kaibigan.

"Hi! Nice meeting you Three!" Zaf said at isa isa nitong bineso mga kaibigan ko.

"Nice meeting you too! Ang ganda mo naman!"

"Oo nga! Are you friends with Gabe?"

"I think i saw you once, but i can't remember where." Ani Chantyl naman

"Aw! Thanks girls! Siguro sa Opisina ni Mr. Rey once." Zaf said.

"Can i talk to Gai?"

"Sure sure lipat muna kami sa ibang upuan." Ani Collet.

"Samahan mo nalang ako sa restroom Collet."

"Sama!"

Sabay na umalis ang tatlo napabaling ako kay Zaf na ngayon ay malungkot na nakangiti sa akin.

"

You okay? Nalaman ko ang nangyari."

"I just need a space Zaf."

"Alam mo, lagi nyang sinasabi sakin na, mahal na mahal ka nya. Ayaw nya sa decision mo, but he respect you. Kase pakiramdam nya din puno kana sa sitwasyon nya. Are you guys still calling each other or?."

Umiling ako matapos nyang itanong sa akin iyon. Ewan ko ba pero this past few weeks pakiramdam ko wala akong problema, wala akong iniisip yong pakiramdam, na malaya.
Pero hindi ko rin maiwasan malungkot.
At isipin sya. Kaya ako dinala mg tatlo dito ngayon para mag saya man lang.

Inked Dreams (Celebrity Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now