Wakas

626 1 3
                                    

Maraming maraming salamat, sa inyong lahat guys! I love you all!


See you in Series 2!

"Isa sa mga paborito kung gawin noon ang mag cutting class, nakakawala nang stress!" Natatawang sabi ni Collet.

That's was the first time I saw her, sa BFA building, nag uunahan silang tumakbo na apat nagtatawanan. Napabangon ako sa aking hinihigaang upuan nang araw na iyon. Dahil sa ingay nang mga yapak nila, nagulat pa sya nang makitang may ibang tao pala don bukod sa kanila. Anong ginagawa nang mga babaeng ito dito.

"M-may tao! Baka mag sumbong!" Sabi nang babaeng naka salamin, her name is Chantyl

"Hayaan mo na edi isumbong din natin nag cutting din sya eh!"

"B-bumalik nalang tayo Collet."

"Hoy huwag mo kaming isumbong ha! Gaya mo gusto din namin mag pahinga!" Nagawa pa akong ituro turo ni Shia noon, I know her one of University's playgirl kilalang kilala sikat, lalo na sa mga ka batchmate ko.

Bakit ko naman sila isusumbong? Ano bang pake ko sa kanila? Iniisip ba nilang nag cutting din ako? Hindi ko na sila pinansin at bumalik nalang ako sa pag kakahiga, may napansin akong bulto nang tao, papalapit sa akin. Nilingon ko iyon at ito iyong babaeng gusto nalang bumalik sa klase kanina.

"Hi, g-gusto mo?"Pinakita nya sa akin ang hawak nyang yakult, dalawa iyon. Sinusuhulan ba ako nito para wag mag sumbong?

"What's that?" I asked.

"Yakult?"

"Alam kung yakult iyan bakit mo ako binibigyan? For what?" Iritado kung tanong sa kanya.

"Mainit kase. Kaya-" hindi ko na sya pinatapos magsalita tumayo na ako sa kinauupuan ko, bahagya pa syang nataranta. Mga disturbo mga babae talaga ang iingay! Tinignan ko ang mga kasama niya, abat anong gagawin nang mga ito dito picnic? May dala pa talagang Mat!

"Hindi ko kailangan." Tatalikuran ko na sya nang bigla nyang hinawakan ang siko ko. Iritado ko syang nilingon agad nya namang binitawan ang hawak nya sa akin.

"Huwag mo kaming isumbong." Bakit nya iniisip na isusumbong ko sila? Hindi ko nga sila kilala! Mukhang matino, ganoon din ang babaeng nakasalamin, na ngayon ay inaawat ang dalawa nilang kasama.

Nag aagawan sa isang inumin.

"Ano bang pake ko sa inyo?" I asked, nakita kung namula ang kanyang pisngi matapos kung itanong iyon sa kanya, hindi ko alam kung dahil sa init o hiya.

Hindi ko inaasahan na hindi lang yon ang una naming encounter, nalaman kung kapatid sya nang isa sa mga nag a-audition sa banda namin bilang drummer. Si Ryker Evelia

"Salamat ha! At pumayag ka na sumama ang kapatid ko sa banda nyo, alam ko na hindi mo tinanggap ang binigay ko sayo last month na Yakult. Pero sana tanggapin mo ito bilang pasasalamat ko." Gaia said, inabot nya sa akin ang hawak nyang paper bag na may nakatatak na Ralph Lauren.
Natanggap naman ang kapatid nya dahil may talent sya. So bakit sya nagpapasalamat?

"What's that?"

"M-mura lang naman ito, sege na tanggapin mo."
Kailan pa naging mura ang mga bilihin sa Ralph Lauren!

"Please?" Pakiusap nya sa akin. Tinanggap ko na lang, sumilay ang ngiti sa kanyang labi matapos kung tanggapin iyon.

"Dude that's fifteen thousand six hundred sixty five!" Gulat na gulat ang apat matapos kung ipakita sa kanila ang binigay sa akin na damit ni Gaia.

"Kung ayaw mo akin nalang." Biro ni Luco
Mura ba sa kanya ang presyo na ito? Sabagay kung anak mayaman ka mura lang talaga ito para sayo, ilang bata sa orphange ang kayang pakainin nang fifteen thousand plus na presyo nitong damit na ito! Mga babae talaga mga gastador!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Inked Dreams (Celebrity Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now