Forgiven
Healing.
Accepting.
Peace over drama.
When you forgive.
You heal.
"Ce'st la vie Gai. People change feelings change too. Feelings fade away too. Hindi naman kase porket baliw na baliw ka sa taong yon noon, ay ganon parin hanggang ngayon. Hindi mo rin naman ako masisisi hindi ba?"
Tumang ako sa kaibigan ko bilang pag sang ayon sa sinasabi nya, Ilang beses na din kase syang pinahiya ni Ryker noon, pinamukha sa kanyang hindi sya nito gusto, at hindi niya magugustuhan kahit kailan.
"Kinain nya rin lang naman lahat nang sinabi niya sa akin noon such a liar!"
"Naiintindihan kita Coll, pero wala na ba talagang natitira dyan? I mean look at me and Kane."
"Magkaiba naman tayo nang sitwasyon Gai, kayo ni Kane noon pa man, mahal nyo na ang isa't isa. Samantalang ako hindi naman minahal pabalik, me hindi nga nagustuhan. Puro lang pang mamaliit ang ginagawa sa akin nang kapatid mo. Sa totoo lang Gai, tinatak ko sa isip ko lahat nang mga sinabi niya sa akin noon, alalang alala ko pa lahat until now, at diring diri ako sa sarili ko. Ginamit kung dahilan yon sa Italy para maka move on ako. And yes I did baon ko parin iyon hanggang ngayon, kaya huwag umasta si Ryker na parang okay lang lahat sa kanya, kasi sa akin hindi. Hindi niya alam ang pinagdaan ko para maging ganito ako ngayon.
"Baka mahal mo pa talaga? Sadyang natatakpan lang nang galit mo?" Pairap niya akong tinignan at pinunasan nya ang kanyang mga luha matapos kung sabihin iyon. Naawa ako sa kaibigan ko, tama nga ang sinabi niya, dati ilang beses din siyang pinahiya ni Ryker dahil sa pagiging bulgar nito sa nararamdaman nya sa kapatid ko.
"Ayoko na sa kanya Gaia. Hindi nyo naman ako masisisi hindi ba?"
"Naiintindihan kita, hayaan mo sasabihin ko kay Ryker ang lahat."
"Ako na ang bahala, I"ll talk to him, nang maayos na ito. Para tigilan na nya ako, babalik na din naman akong Italy next month nagbago na ang isip kung manatili na dito for good."
"Kung iyan ang gusto mo Coll, kung tingin mo ay yan ang makakabuti sayo. Rerespetuhin namin."
Umalis din naman si Collet nang araw na iyon, aniyay uuwi na muna sya sa mga magulang nya sa Batangas.
Nakita ko ang anak kung nasa balcony dahan dahan akong umupo sa tabi nang anak ko napapansin kung malalim ang iniisip, tahimik itong naka upo kaharap ang nagtatayugang building. Kagabi ko pa ito napansing tahimik. Hindi ko na kinulit at baka napagod lang, hindi ko alam ano ang magigiging reaksyon nya kapag sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa Ama nya.
"Your Tita Maliah went out, may importanteng inasikaso for her Visa."
"Yes Mommy, she told me pupunta na ba po talaga syang Australia? Iiwan nya na po ako gaya nang ginawa ni Tita Mariah po?"
"Anak, nag tatrabaho na po kasi si Tita Mariah doon, ganon din ang gagawin ni Tita Maliah."
"Malulungkot po ako, wala na akong kasama, wala nang Tita Kambal sa bahay po."
"Its okay you have me and Mamala and Papalo."
"Kahit na po Mommy, I'm going to miss them po hindi po ba pwedeng dito nalang sila?"
"Anak, balang araw pag malaki kana maiintindihan mo ang Tita Kambal mo, just like your Tita Veda, she's working too."
"Pero dito lang naman kasi po sya Mommy, ang Tita Kambal kailangan pa pong umalis po."
YOU ARE READING
Inked Dreams (Celebrity Series #1) (COMPLETED)
Fiksi PenggemarHindi inaasahan ni Gaia na magbubunga ang nangyari sa kanila ni Kane matapos ang hapon na iyon. Yes, she's dating the famous celebrity, D'Arcy Kane Morgan. Ngunit sa araw ding iyon nahuli niya ang kanyang nobyong may kasiping na ibang babae. Sunod...