Pregnant.
Kung ibang Ina, ibang anak at Asawa siguro ang nasa sitwasyon nang mag iina'ng Salvatorre ngayon.
Purong galit siguro ang ipaparamdam sa akin. Dahil kahit ako iyong anak sa labas, mas nasa akin pa ang atensyon nang kanilang Ama.
Kaso hindi, hindi ganoon sina Mama Grace, mas inintindi nila si Papa.
Sinu-suportahan nila.Ang swerte swerte ni Papa sa pamilya nya.
Naalala ko tuloy si Mommy.
Hindi ko alam kung swerte din ba sya kay Daddy. Mas pinili niya ang makakapag pasaya sa mga magulang niya kaysa sa sarili nya.She told me she still love Papa.
Unconditionally.
Mali iyon.
Sobrang mali.
Pareho na silang may asawang dalawa.
I wonder if Papa still love Mom too?Imposible na iyon.
Sa dalawang linggo ko dito nakita ko kung gaano ka mahal ni Papa si Mama Grace. Ganon din si Mama Grace sa kanya.
Si Mama Grace siguro ang gumamot sa sugatang puso ni Papa noon, matapos piliin ni Mommy si Daddy.
I wonder if someone can heal my broken heart too?
I wonder if someone can love me too?
Sa paraan kung paano mahalin ni Papa si Mama Grace ?Dahil gusto ko rin iyon.
Ang magmahal at mahalin.
Nang totoo, nang walang kasamang panloloko.
Bakit ko ba iniisip ito.
Hindi ko alam.
Tahimik akong naupo sa upuang gawa sa kahoy, reading a love novel under the tree.
"May tanong ako sayo."
Sabi nang katabi kung si Mariah.
"Ano iyon Mariah?"
"Nabanggit ni Papa sa amin noon, na may boyfriend kang Artista, totoo ba?"
I looked away after that question, hindi ko alam kung kaya kung e kwento sa kapatid ko iyon.
"Ayos lang kung hindi mo sabihin, curious lang ako. Baka kase nagbibiro lang si Papa."
Aniya at nginitian ako bahagyang lumabas ang dimples sa kanyang pisngi.
"Oo totoo mayroon akong boyfriend na Artista." Amin ko kay Mariah
Nagulat siya matapos kung sabihin sa kanya ang totoo
"Kung ganon bakit mo iniwan sa Manila? Hindi kaba malulungkot? Kase diba nasa malayo ka, hindi kayo mag kasama."
"Wala na kami. Hiwalay na kami."
"Bakit?"
Malungkot akong ngumiti sa kapatid kung kuryuso sa aking buhay pag-ibig.
"Hindi ko pa kayang e kwento sa ngayon Mariah, pasensya kana ha?"
"Hindi! Ayos lang Ate nagtataka lang ako. Akala ko kase eh engaged kayo."
Nakita kung nakatingin siya sa sout kung singsing
"Binigay niya sa akin ito bago ko siya nahuling may kasiping na ibang babae."
"Huh?"
"He cheated on me Mariah."
"Bakit?"
"Maybe I'm not enough?"
"I don't think so. Sa tingin ko kase ang mga lalaki, kapag nagloko mga iyan hindi sa ating mga babae ang problema."
YOU ARE READING
Inked Dreams (Celebrity Series #1) (COMPLETED)
FanfictionHindi inaasahan ni Gaia na magbubunga ang nangyari sa kanila ni Kane matapos ang hapon na iyon. Yes, she's dating the famous celebrity, D'Arcy Kane Morgan. Ngunit sa araw ding iyon nahuli niya ang kanyang nobyong may kasiping na ibang babae. Sunod...