Tattoo
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa anak ko ang tungkol sa Ama niya.
Pagkatapos nilang mag usap kahapon ay hinatid siya ni Kane ulit papasok nang venue, kailangan ko pang mag tago para hindi makita nang dalawa.Bakit ba ako nag tatago?
Nakakainis naman!"Mommy, I want pasta po please pasta, pasta, pasta."
"Abat dinaan pa sa kanta ang pasta." Natatawang sabi ni Maliah.
"Okay po boss Ma'am wait lang po ah? At parating na ang pasta."
"Thank you Mommy! I love you."
"Ang sweet sweet talaga!"
"And I love you rin po Tita!" Nagawa pa niyang mag flying kiss kay Maliah
"Tumawag pala si Papa kinaka-musta tayo."
"Oh, tatawag ako sa kanya mamaya."
"I miss Papalo."
"Gusto mo na bang umuwi?"
"Yes. But need ni Mommy ayusin ang work niya dito."
"Mauna nalang tayo gusto mo?" Maliah said.
"No." Sabay naming sabi ni Chiela.
Nagtawanan kaming tatlo, dumating din naman agad ang order naming breakfast.
"Pinapasabi pala ni Collet, mamaya na siya mag Breakfast at napagod daw sa party kagabi."
"Hayaan na muna natin Maliah."
Naalala ko na naman ang nangyari kahapon, halos lahat nang guest sa kasal nina Shia ay umalis na kahapon. Kami nalang itong natirang naiwan sa hotel. Ani Shia ay dito na muna kami para makapag relax. I don't know if Kane already left yesterday, pagkatapos niya kasing hinatid si Chiela hindi ko na siya nakita.
"Mommy look!" Ani Chiela at tinuro ang aking likuran.
Tinignan ko ang tinuro nang aking anak, at kinabahan ako bigla.
Andito parin pala siya akala ko umalis na kahapon.
Magkikita na naman ang dalawa.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Maybe its a way para madali kung sabihin sa kanilang dalawa ang lahat?Baka pagkatapos nito, pag nalaman nang anak ko ang tungkol sa Ama niya ay madali niya itong matatanggap. Dahil kahit papaano ay nakilala na niya si Kane? Tama ba itong mga iniisip ko?
"Hi, Good Morning." Ani Kane nang nakalapit na sa amin.
"G-good Morning too Kane."
At nagawa ko pa talagang mautal!
"Good Morning Tito."
"Hi, Baby."
"How's your sleep po?" Masayang tanong nang anak ko.
"Good. How about you Baby?"
"Super good po! Alam niyo po ba gusto ko nang umuwi kaso matatagalan pa ata kami dito. I miss my Papalo na po and my Mamala."
"Bakit naman? Uuwi na kayo Gai?"
"May aayusin pa akong mga papeles para sa shop ko. Baka next week pa siguro."
"Ayaw mo ba sa Manila Chiela?"
"Ayoko, magulo dito maingay, hindi po ako sanay po." reklamo nang anak ko sa Ama niya
Umupo si Kane sa kanang upuan na katabi ko nagawa pa nitong e usog ang upuan palapit sa akin kahit wala nang espayo iyon.
Anong ginagawa nito?
YOU ARE READING
Inked Dreams (Celebrity Series #1) (COMPLETED)
FanfictionHindi inaasahan ni Gaia na magbubunga ang nangyari sa kanila ni Kane matapos ang hapon na iyon. Yes, she's dating the famous celebrity, D'Arcy Kane Morgan. Ngunit sa araw ding iyon nahuli niya ang kanyang nobyong may kasiping na ibang babae. Sunod...