Kabanata 18

413 3 1
                                    

Father.

Tama nga sinabi ko, ang araw na iyon ang isa sa mga araw na hinding hindi ko makakalimutan.

Habang buhay. . . .

Tama ba ang pagkakarinig ko? O guni guni ko lang iyon? Nanaginip lang ba ako?

"Roger."

Kitang kita ko kung pano nataranta si Mommy sa biglaang pag sulpot ni Manong Roger, anong meron?

"Hindi ako papayag!"

Ulit nang aming gwardiya.

"Anong karapatan mo? Hindi ikaw ang nag palaki kay Gaia kaya manahimik ka!" Sigaw ni Daddy kay Manong.

What the hell is happening here?

Hindi ko alam.

"Ikaw ang nag palaki sa anak ko dahil yon ang gusto mo! Walang kang karapatan pilitin ang anak ko sa bagay na ayaw nyang gawin!"

Anak?

Anak nya?

Ako?

"Po?" Litong kung tanong. Anong anak?

"Roger please." Pakiusap ni Mommy sa gwardiya namin.

"Teka lang, hindi ko po maintindihan, gulong gulo na po ako. Ano pong sabi nyo Manong? anak mo? Ako po anak mo?"

"Oo anak kita,anak kita Gaia."

Kung gumuho na ang mundo ko kanina, hindi ko inaakalang may e-guguho pa pala.

"Pero po."

Bumaling ako sa aking Inang umiiyak na ngayon.

"Mom? What is this?"

"So-sorry anak."

"Dad? Totoo ba?"

"Huwag mong sabihin sa aking anak mo sya Roger, gayong hindi ka naman nag paka Ama sa anak ko." Dad said

"Gustong gusto kung mag paka Ama sa anak ko Sir. Sadyang inalisan mo lang ako ng karapatan."

Parang sasabog ang ulo ko sa dami kung iniisip, napabaling ako sa sa gwardiya naming nagpipigil nang luha habang nakatingin sa akin.

"Ikaw ang totoong Ama ko? Hindi si Daddy? Paano po nangyari iyon?"

"Hindi na importante yan ngayon Gaia, ako ang nag palaki at nag alaga sayo. Kaya ako ang Ama mo hindi ang hampas lupang gwardiya'ng yan."

"Hindi ako nanahimik, nang ilang taon, hanggang tingin lang sa anak ko. Para lang masunod ang gusto mo Sir, oo hampas lupa ako, pero itong hampas lupang ito ang inagawan mo ng karapatan sa kinikilala mong anak."

"Roger tama na."

Napabaling ako kay Mommy na ngayon ay di alam kung anong gagawin, kung lalapit ba sa akin o hindi.

"Hindi ko maintindihan Mom. Paano nangyari iyon?"

"Hindi ko alam na buntis ako noon, nalaman ko lang matapos, ang kasal namin ng Daddy mo."

Sumagi bigla sa isip ko, ang mga sinasabi nang totoong Ama ko sa akin noon.

kung paano siya mag alala sa akin, kung paano nya ako pinapayuhan.

"Masaya ako dahil napalaki ka ng maayos ni Ica."

"Po? Bakit naman po?"

"Wala anak. Wala huwag mo nang isipin ang sinabi ko."

"Huwag kang tumakbo nang mabilis dahan dahan lang baka mapano ka!"

"Sana ay piliin mo ang makapag papasaya sa iyo."

Inked Dreams (Celebrity Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now