Maria Darchiela
Sa buwan ring iyon dinalaw ako ni Shia.
Chantyl can't come though.
Sa sobrang busy niya sa karera nang kanyang pag A-Artista ngayon. Hindi na niya alam kung ano ang uunahin, pero naiintindihan ko naman iyon.
Sabi niya ay dadalawin niya ako pangako raw yon.
Masaya ako sa kanyang narating ngayon, she deserved it.
Pagkatapos lahat nang paghihirap niya sa buhay, at sa narating niya ngayon.
Mapapasabi nalang akong kahit naging malupit ang mundo sa kanya noon, hindi siya sumuko sa buhay.
Look it now, she's one of famous Actress here in Philippines.
Kwento niya sa akin, simula nong nag ka movie sila ni Icarius, ay kaliwa't kanan na ang offer sa kanya. Malaki ang pasasalamat niya sa dating katambalan. Akalain mo iyon, sumasang ayon na sa kanya ang tadhana, sinama pa ang lalaking hinahangaan niya noon.
I just hope Icarius won't hurt my friend because she's fragile.
Masaya ako sa narating nang kaibigan ko, and I'm so proud of her at the same time.Hinatid ako ni Papa sa bayan ng Pilar. Shia is already there, nag check in sa isang Hotel, gusto sana ni Papa na sa bahay na siya patuluyin kaso ay hindi namin alam san siya patutulugin, at baka manibago din iyon dito.
Kambal insisted na sa sala nalang daw sila matulog. Sinabihan ko nalang sila na huwag nang mag alala mag check in nalang siya at sasamahan ko nalang sa Hotel."God, hindi parin ako makapaniwala." Salubong ni Shia sa akin pagkapasok ko palang nang Lobby ng Hotel.
"I miss you." Sabay yakap ko sa kaibigan, kumalas ito at bahagyang hinawakan ang aking Tiyan."
"I miss you more Gai, Hi Baby!"
Malungkot siyang ngumiti sa akin.
"Gender?"
"Girl Shia."
"Aw! What's her name? Oh my! Our first baby in the group!"
"Maria Darchiela."
"D'arcy."
"Yeah, its Kane's. because after all anak niya ito."
"Kailan mo balak sabihin?"
"Anong kailan ko sabihin? Wala akong balak sabihin Shia."
"Naiintindihan ko, pero mahirap mag palaki nang anak, na walang Ama."
"Maraming mag mamahal sa anak ko. Hindi na kailangan nang pagmamahal nang kanyang Ama."
"Paano kung isang araw maghanap siya nang Tatay?"
Natahimik ako sa tanong na iyon, hindi ko alam ang sagot.
"Tsaka na natin isipin iyan kapag nag hanap na."
"Paano kung kasal na siya non?"
"Ipakikilala ko ang anak niya, pero hindi ko siya bibigyan ng obligasyon yon lang."
"Paano naman kung wala siyang asawa?"
"Pake ko ba sa kanya."
Natawa kaming dalawa matapos kung sabihin iyon. Ang dami dami naming kwento sa isa't isa ni Shia.
Hindi na niya tinanong ang pagbubuntis ko, siguro iniisip niyang okay lang ako noon nalaman kung buntis ako, hindi ko babanggitin iyon sa kanya. Paniguradong bubungangaan ako nito."Pag kaka alam ko bumalik siya nang banda, wala pa namang ganap sa kanila ngayon. I think next year ulit."
"Ganon ba, nakikita mo ba ang mga kapatid ko?"
"Si Veda, sa Okada noong nakaraan. Si Ryker nope. Pagkaka alam ko ay balak noon mag tayo nang sariling agency. Not sure lang."
"May alam si Ryker sa negosyo. Sadyang hindi lang siya interesado, baka ngayon gusto na niya?"
YOU ARE READING
Inked Dreams (Celebrity Series #1) (COMPLETED)
Fiksi PenggemarHindi inaasahan ni Gaia na magbubunga ang nangyari sa kanila ni Kane matapos ang hapon na iyon. Yes, she's dating the famous celebrity, D'Arcy Kane Morgan. Ngunit sa araw ding iyon nahuli niya ang kanyang nobyong may kasiping na ibang babae. Sunod...