Kabanata 4

416 3 0
                                    

Smiley.

Sinabi ko kay Kane ang pinag awayan namin ni Daddy.
Ayokong may tinatago sa kanya. He already know about Mico, i know he trust me in that part. Kampante din sya sa parte na iyon dahil alam nya sa sarili nya na di ako gagawa ng mga bagay na ayaw ko he support me,

"Malapit na ako. " Ani Kane sa kabilang linya

Sabi nya'y antayin ko sya at kakausapin nya si Daddy. Sinabi ko sa kanyang wag na dahil magiging abala sya bukas but he didn't listen to me mas mahalaga daw to kesa sa gagawin nya bukas. I'm such a mess as always.

Lage akong may na di-dismayang mga tao. kahit anong pilit kung maging perpektong anak, maging perpektong kaibigan.

Im trying my best but maybe my best is not enough? .Not enough to make people around me satisfy. Specially my Dad? Why can't he just support me?
Gaya ng ibang mga magulang sa mga anak niya sinusunod naman namin sya ni Veda sa ibang mga bagay eh.
Ayaw lang namin na pati sa sarili naming kaligayahan papakialaman nya.
Bakit hindi nya nalang gayahin si Mommy.

"Nako Ma'am Gai, pumasok na lang po kayo sa loob at lalamukin kayo dito sa labas." Nag aalang sabi ng aming guard.

"It's okay Manong, may inaantay po ako." Ngiti kung sabi.

"Nako, alam na alam ko tong eksenang ganito. Nag away na naman kayo ni Ser ano? yong Artista mong boyfriend ba inaantay mo? O."

"Wala namang bago pag andito ako sa Mansion Manong, Opo sya lang naman boyfriend ko."

"Akalain mo iyon, dati rati'y nakikita ko lang kayo ni Ma'am Veda na tumatakbo jan sa inyong Hardin. ngayo'y may kanya kanya na kayong buhay. May mga narating na naalala mo ba iyong sa pool noon?" Natatawang sabi ni Manong Roger

I still remember that one, pinalangoy ni Veda si Manang Lita, nahulog kasi yong teddy bear na paborito naming laruin noon.
Di namin inasahan na si Manang Lita hindi marunong lumangoy siguroy nataranta sa sigaw ni Veda kaya biglang talon nya rin sa pool she forgot she can't swim.

"I remember that one Manong, Veda ask you to CPR Manang Lita"

"Ma'am Veda talaga ke Bata pa andami ng alam.
Ang nakaka lungkot lang eh nung nag iba ka na ng tinitirahang bahay Ma'am Gai "

Napabaling ako sa isa sa pinakamatagal naming tauhan matapos nyang sabihin yon.

"Kinasanayan na naming lagi kang nakikita sa Hardin tuwing hapon, ngayon, kulang nalang isipin naming walang nakatira sa Mansion nyo. Napaka tahimik, tuwing gabi lang nag kaka-tao" he looked away and i saw unshelled tears in his eyes.

"Manong Roger, are just crying?"

"Nakaka lungkot lang isipin Ma'am Gai, yong paborito naming Amo wala na dito. Siguroy di lang kami sanay sina Glenda si Manang Goria di man nila sabihin sayo'y ito pero miss ka na din nila nakakapanibago lang pero hindi ka namin masisi siguro'y oportunidad na din sayo iyong binigay sayong Condo Ma'am. Masaya kami kahit papa anoy malaya ka nakakahinga ng maluwag hindi na p-pressure sa Ama mo. "

Nakatulala akong naka tingin sa kanya matapos nyang sabihin iyon. Bakit ganun? Bakit nakakatuwang isipin na yong mga taong di mo ka ano ano pinapahalagahan ka ng ganito?

"Gustohin ka man naming bumalik dito pero mas mahalaga ang maging malaya ka kahit papaano. Ang masunuring anak ay hindi dapat inaabuso ng magulang para lang sa sariling ka gustuhan."

Kasabay non ang pag tapik nya sa aking ulo na noon pay ginagawa nya na sa amin ni Veda para na rin namin syang Tatay.

"Manong. . . . ." Naiiyak kung sabi.

"Na kwento nga ni Goria na nirereto ka raw doon sa ka sosyo ng iyong Ama sa negosyo. Ma'am wala man akong karapatan sabihin sayo to, napamahal ka na sakin. samin. Pero sanay piliin mo iyong makapag papasaya sayo, yong bukal sa iyong kalooban ang desesyon Nasa huli ang pagsisi Ma'am."

Inked Dreams (Celebrity Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now