Kabanata 27

512 4 0
                                    

My Love.

May idea na ako na alam ni Kane na anak niya si Chiela, pero paano niya nagawang tiisin hindi itanong sa akin iyon? Isang bagay na hindi ko kayang sabihin sa kanya noon.

Ang tungkol sa anak naming dalawa.

"Nakikiusap ako sayo, wag mong ipagdamot sa akin ang anak ko. Ang anak nating dalawa Gai."

"Kane, hindi ko siya pinagdadamot sayo. Naghahanap lang ako nang tamang oras."

"Alam ko. See? Hindi kita minadali nag aantay ako Gai, hindi ko lang napigilan kanina. Gai nag mamakaawa ako sayo."

"Sasabihin ko naman sayo Kane, iniisip ko lang din na baka ayawan mo, ang anak ko."

"Hindi ako nag antay nang limang taon, kung hindi ko aakuin ang obligasyon sa anak nating dalawa."

Napaangat ako nang tingin sa kanya matapos niyang sabihin sa akin iyon.
Limang taon?

"Ano ang ibig mong sabihin? Limang taon? M-matagal mo nang alam?"

"Alam ko Gai. Matagal na, sinabi sa akin ni Ryker. Pero sinabi niya rin sa aking huwag kang guluhin, dahil galit na galit ka sa akin ang sabi niya ay hayaan na muna kita. Antayin kung mawala ang galit at pout dyan sa puso mo. Matagal ko nang gusto makita at makilala ang anak ko, sinubukan kitang kausapin one year ago but your father stop me. Gaya ni Ryker gusto niya ring hayaan na muna kita. He told me your not in good condition, Sinabi niya sa akin lahat Gai. At galit na galit ako sa sarili ko kung bakit ko nagawang saktan ka. I didn't mean to hurt you.  At yong tungkol sa amin ni Astrella, Ang laki laki kung tanga, I thought she was you Gai, dahil ikaw lang naman ang nakaka-pasok sa condo ko. Tsaka ko lang nalaman noong nagsalita na siya, ang gago gago ko. nakiusap ako sa Mommy mo, kung pwede bang makausap ka. She told me you already left, hindi niya sinabi sa akin ang dahilan kaya inaakala kung dahil iyon sa akin. Hindi niya sinabing dahil pala iyon sa totoo mong Ama. Even your friends hindi nila alam kung saan ka, o kaya ay alam nila pero dahil sa ginawa ko bakit nila sasabihin sa akin diba? And I saw the news, about you being fixed marriage with Mico, nagalit ako sayo dahil baka iyon ang dahilan kung bakit ka umalis, baka iyon ang dahilan kung bakit natin ginawa iyon, iniisip kung baka gusto mong gumaya sa Mommy mo. Nagalit ako sayo na ayan ka na naman, sinasaktan mo na naman ako. But I'm wrong, Gusto kung humingi nang tawad kahit hindi ko intensyong saktan ka, Sana patawarin mo ako. Sinabi ko kay Tito Roger, ang nangyari sa ating nang gabing iyon, kung bakit tayo nag hiwalay dahil siya nalang ang pag asa kung tutulong sa akin sayo Gai.
Mahal na mahal parin kita, mahal na mahal at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay. Kung hindi mo man ako mapapatawad tatanggapin ko Gai, pero nakikiusap ako sayo kahit ipakilala mo lang ako sa anak nating dalawa. Nakakapagod mag kunwaring ibang tao ako sa anak nating dalawa. Ikakamatay ko ata Gai. Nakikiusap ako sayo."

Kaya ba laging sinasabi sa akin ni Papa na alisin ko ang galit sa puso ko? Dahil alam niya ang lahat tungkol kay Astrella at Kane?
Kaya ba araw araw nya akong pinapayuhan? Na mag patawad?

Nanigas ako sa aking kinauupuan nang nakita kung bigla siyang lumuhod sa harapan ko, nanghihina, tumutulo rin ang kanyang mga luha gaya ko.

"Hindi ko pinagdadamot sayo si Chiela ipakikilala kita sa anak mo Kane, sadyang natatakot ako na baka hindi mo siya tanggapin, na aayawan mo siya. Ayokong masaktan ang anak ko. Ikakamatay ko yon Kane, hindi mo ako masisisi, nagalit ako sayo sa maling akala.
Sana ay patawarin mo rin ako, sa pag tatago ko kay Chiela sa iyo. Galit na galit ako sayo, akala ko  binigyan mo ako nang singsing, para lang gantihan. Sa sobrang galit ko Kane. Pati ang anak natin nadamay muntik ko na syang ipalaglag. Sa sobrang galit ko sayo! Dahil ayokong mag karoon nang koneksyon sayo balang araw dahil sa kanya! Minsan iniisip ko, sa kagustuhan mo bang gantihan ako, kailangan mo ba talaga akong buntisin? Na kailangan mo ba talagang mag iwan nang bakas at obligasyon sa akin? Ilang taon ko ring hindi matanggap na may anak ako sayo. Ilan taon ko na ring pinagsisihan ang lahat nang ginawa ko. Galit na galit ako Kane, but Papa was there, nag papaalala sa akin na kalimutan na ang lahat, alisin ang galit sa puso, mag simula at mag patawad. Dahil walang mapupuntahan ang galit kung papairalin ito. And I did it for Chiela. Kane kahit galit na galit ako sayo, mahal na mahal parin kita, hindi ko pwedeng lokohin ang sarili ko sa parteng ito. Sa kabila nang galit ko sayo, andon parin ang pagmamahal ko sayo. Pinapatawad na kita, at sana patawarin mo rin ako.

Inked Dreams (Celebrity Series #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now