Chapter 9

6 5 0
                                    

╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 9
╚════════════. .✯ . ╝

"Pag dating ni gurong Ghoss merong pag susulit na gagawin sa inyo kaya mag handa kayo" Tinuro naman kami isa isa ni Rosh para balaan

Ito na ang huling pag sasanay namin sa kanya at sa susunod na linggo darating na si Knight Ghoss. Ano naman kaya ang ipapagawa niya

"Pwede na kayong umuwi, mag ingat kayo" Umalis naman si Rosh sa harapan namin at naka ngiti pa habang naglalakad. At mukhang may iniisip na maganda

Bumalik naman na kami sa palasyo at dumiretso nako sa pagkain dahil gabi narin. Late na kami pinauwi ni Rosh dahil sinulit niya ang huling oras na guro namin siya.

Nandito naman na kami ni Hexia sa silid ko at patulog narin kami dahil parehas kaming pagod. Sinusuklayan niya ang buhok ko ng marahan

"Kamahalan, pwede po bang pag takpan niyo po ako saglit. Alam ko pong pahangas ang sinasabi ko pero gusto ko lang pong subukan"

"Ano ba ang gagawin mo? " Tanong ko sa kanya. Kita ko naman ang maliit niyang ngiti mula sa salamin, ngiti na katulad kay Rosh. Alam kona ang nangyayari

"Saan kayo pupunta? " Sunod na tanong ko sa kanya. Mabilis lang hulaan ang nasa isip o galaw ng nasa paligid ko, dahil magaling ako mag usisa

"Inimbitahan niya po ako sa bayan kahit na isang gabi lang po. Ilang araw niya napo ginagawa yun kaya gusto ko pong subukan" Pinigilan ko naman ang pag suklay niya at humarap sa kanya

"Gusto mo ba? " Tumango naman siya sakin. Sino ba naman ako para pag bawalan siya sa gusto niya, gusto ko rin siyang suportahan bilang kaibigan

Ilang taon narin simula nung pag silbihan niya ako at eto na siguro ang tamang oras para naman sarili niya muna alalahanin niya

"Basta't mag ingat" Tumango naman siya sa akin at doon na lumaki ang ngiti niya "Si Rosh ang malalagot pag may nangyari sayo" Natawa naman siya sa sinabi ko

"Ako na bahala sa mayordoma"

"Salamat, kamahalan" Napa yakap naman siya sakin sa sobrang saya kaya sinuklian ko iyon. Masaya ako na napa saya ko siya kahit na sa maliit na bagay.

Ang plano namin sa bintana ko siya dadaan dahil diretso na iyon papunta sa kagubatan kung saan nag hihintay si Rosh.

Pinasuot kona din siya ng balabal para walang maka kita sa kanya. At malamig narin kasi sa labas dahil gabi na Kaya mas mainam ito

"Mag iingat ka, Hexia" Tumango naman siya at humawak sa kamay ko bago siya tumalon. Wala naman siyang sinayang na oras at agad na siya tumakbo

Mabuti nalang at mamaya pa mag iikot ang mga bantay kaya pwede pa siyang maka takas. Sana lang ay maging masaya siya doon

Nag sulat naman agad ako ng liham para sa mayordoma na pag papaalam para kay Hexia. Sinabi ko na dito siya sa aking silid matutulog dahil kailangan ko ng bantay

Agad ko naman inabot sa isang taga silbi at binalaan kopa siya. Wala kasi akong tiwala sa ibang bampira talaga at baka sa susunod ay magkaroon na.

𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon