Chapter 14

3 3 0
                                    

╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 14
╚════════════. .✯ . ╝

Tinali ko ang mahaba kong buhok para Hindi ito magulo at maka kilos ako ng maayos. Kinuha ko din ang aking espada na regalo sakin nila ama at lumabas na sa aking silid

Pumunta agad ako kung saan dumating na ang mga Royal Knight. Pagka rating ko ay kumpleto na sila at mukhang ako lang ang hinihintay

Mga nasa 15 ang kalalakihan na magiging Royal Knight pero kukuha ng isa para maging lider nila. At ayun ang magiging karapat dapat sa posisyon

Lahat sila naka suot na ng uniporme at ang iba ay seryoso at ang iba ay mukhang ayaw na narito. Pero alam kong wala silang magagawa dahil pamilya nila ang nag pa dala sa kanila

"Magandang umaga sa inyo" Bati sa kanila ni Rosh "Magandang umaga Sir! " Tumango naman si Rosh

"Alam niyo naman kung bakit kayo nandito kaya diidretsohin kona sayo" Panimula niya. May tumabi naman sakin at napag alaman kong si France iyon

"May mga patakaran sa loob ng lugar na ito at kung sino man ang sumuway agad na tatanggalin" Nag simulang mag bulungan ang mga kalalakihan at binigyan sila ng papel

Naka sulat sa papel ang mga patakaran at sila ni France ang gumawa nun. Kita ko ang pag babago ng mga ekspresyon nila at alam kong inis sila

'Sino ba ang gumawa nito, akala mo siya ang Diyos kung makapag bawal'

'Mas malaya pa ang mga ibon kesa samin'

'Mama ayuko dito pauwiin niyo nako'

'Miss kona kasintahan ko'

'Tangina ang dami nilang alam'

Napa iling naman ako at humawak sa ulo ko dahil sa samot saring sinasabi nila. Hindi kona pinakinggan pa dahil wala rin namang kwenta

"What's wrong? " Umiling naman ako kay France

"Kung may gustong linawin mag tanong kayo, at kung gusto niyong umalis bukas ang gate" Binuksan naman ng mga kawal ang gate kaya napa tingin ang lahat doon

"Bibigyan ko kayo ng isang minuto para umalis dahil mukhang hindi niyo kakayanin ang mga gagawin niyo" Kung makapag salita akala naman talaga nakaka matay ito

Pero lahat sa kanila ay hindi sanay sa ganito dahil pinalaki silang marangya ang buhay. Ngayon panga lang na nasisikatan sila ng araw akala mo aping api na

Natapos ang isang minuto at walang umaalis sa kinatatayuan nila. Nasan ang mga narinig kong nag rereklamo kanina bakit hindi pa sila umalis

"Isarado na ang gate, at habang tayo nag sasanay hindi bubuksan ang gate nayan"

"Sir! " Nag taas naman ng kamay ang isang lalaki "Sa loob ba ng isang taon hindi kami pwedeng lumabas? "

"Tuwing may okasyon lamang pwede" Sagot sa kanya "Wala ng ibang mag tatanong dahil tinatamad nako. May iba pang gagawin" Kumamot naman ito sa ulo niya

May nilagay naman sa gitna na kahon "Bubunot kayo isa isa niyan at kung sino sino ang magkaka pareha ng kulay. Sila ang magiging team at mag kakasama sa silid"

𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon