╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 4
╚════════════. .✯ . ╝Natapos naman ako sa pag pipinta kay France ay naka rinig ako ng katok. Ilang araw ko din itong ginawa kaya masaya ako na maganda ang pagkaka gawa ko rito
Ibibigay ko rin kaso ito sa kanya bilang regalo. Hindi niya naman kaarawan pero gusto ko siya bigyan ng regalo na ako mismo ang gumawa
Sana lang at matanggap niya ito at matuwa siya sa gawa ko. Pininta ko siya habang may ngiti sa kanyang mukha, ito kasi ang paborito kong ekspresyon niya
May kumatok naman ulit sa aking pinto kaya tumayo nako para buksan kung sino ang kumakatok. Binuksan ko naman iyon at si ina ang bumungad sakin
"Elise anak, may ipapakilala ako sayo" Naka ngiti nitong sabi na halata ang pagka sabik sa kanyang tono. Masyado bang mahalaga ang ipapakilala niya?
"Tara sumama ka sakin para makilala mo siya" Hinawakan naman niya ako sa kamay at hinila na paalis sa aking silid
Hindi naman ako maka tanggi dahil ayukong mawala ang pagka sabik ni ina. Mamaya ko nalang ayusin ang pininta ko kay France
Pumunta naman kami sa bulwagan at may nakita akong isang tagasunod na kasing edad ko at ngayon ko lang siya nakita kaya siguradong bago lang ito
Siya ba ang ipapakilala sakin ni ina? Pero bakit? Ano ang meron sa kanya para kailangan ko pa siyang makilala.
Huminto naman kami sa harap niya at ngiting ngiti naman siya habang naka tingin sa kanya. Ang amo ng kanyang mukha at ang tamis ng kanyang ngiti
Naka lugay din ang kanyang buhok at may pagka kulot iyon at mahaba. Halatang malambot ang kanyang buhok na ang sarap hawakan
"Siya si Hexia, Elise. Siya ang magiging tagasunod mo at siya ang lagi mong makaka sama, siya ang tutulong sayo" Tagasunod ko?
'Ngunit hindi ko kailangan ng tagasunod ina'
"Kailangan mo iyon Elise, para kahit papaano may gagabay sayo" Hinawakan naman ni ina ang dalawa kong kamay
Tumingin naman ulit ako kay Hexia na naka ngiti pa din. Kailan ba mawawala ang kanyang ngiti? Naiinggit ako, sana ay nagagawa ko din yan
"Magandang araw po prinsesa Elise. Ako po si Hexia ang iyong tagasunod" Hinawakan niya ang kanyang palda at yumuko bilang pag galang
Pati ang kanyang boses ay napaka sigla, ngayon lang ako naka kita ng katulad niya. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot
"Sige na Elise, maiiwan ko muna kayo at sana maging magka sundo kayo" Tinignan ko naman si ina na palayo na samin
Kaya binalik ko ulit ang aking atensyon sa batang babae na kaharap ko. Hindi manlang nawawala ang kanyang ngiti sa kanyang labi
"Napaka ganda mo po mahal na prinsesa" Napa hawak naman ako bigla sa aking buhok. Maganda daw ako at buong loob ko itong tatanggapin
"Tara, Hexia" Sabi ko rito at tumalikod na para mag lakad. Lilinisin ko pa ang aking silid dahil sa nag kalat na mga pinta

BINABASA MO ANG
𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4)
VampireValkyrie Series #4 The 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 Elise Sy Valkyrie ┊┊┊✧ ⁺ ⁺ 𝙴𝚟𝚎𝚛𝚢𝚘𝚗𝚎 𝚜𝚊𝚢𝚜 𝚜𝚑𝚎'𝚜 𝚊 𝚑𝚎𝚊𝚛𝚝𝚕𝚎𝚜𝚜 𝚙𝚛𝚒𝚗𝚌𝚎𝚜𝚜. 𝙱𝚞𝚝 𝚝𝚑𝚎𝚢 𝚍𝚒𝚍𝚗'𝚝 𝚔𝚗𝚘𝚠 𝚝𝚑𝚊𝚝 𝚝𝚑𝚎𝚛𝚎 𝚠𝚊𝚜 𝚊 𝚛𝚎𝚊𝚜𝚘𝚗 𝚋𝚎𝚑𝚒𝚗𝚍 �...