Epilogue

18 6 0
                                    

╔.✯. .═════════════╗
     EPILOGUE     
╚════════════. .✯ .  ╝

"Maligayang kaarawan sa munti naming prinsesa, prinsesa Elise!"

Naka tanggap naman ako ng yakap mula sa aking ina. Hinalikan naman ako nito sa pisnge at inayos ang buhok ko na naka tali

Hindi naman ako sumagot sa kanya o nag pasalamat. Hirap na hirap ako sa pag sasalita at mag bigay ng emosyon sa aking mga mukha

Eto ang dakilang sumpa sa pamilyang Valkyrie. Kami lang ng nakaka tanda kong kapatid ang meron nito, isang himala din na napasa sakin iyon. Hindi ko ito gusto

Gusto kong maging isang normal na bata ngunit hindi ko kaya. Sinubukan kong ngumiti pero napupunta lang sa ngiwi

Gusto kong mag karoon ng emosyon, gusto ko maging malungkot, sumaya pero hindi ko kaya. Maraming nag sasabi na wala akong pake sa kanila dahil sa pinapakita kong walang emosyon. Pero hindi, mali sila

"Magandang kaarawan din sa munti naming prinsipe" Bati din ni ina sa aking kambal na si Cai. Malaki ang ngiti nito sa labi at yumakap sa aming ina

Hindi ko maiwasang mainggit, napapa kita niya kung ano ang nararamdaman niya at emosyon. Samantalang ako ay hirap na hirap

Ayukong dumating ang araw na iwan ako ng lahat at mag sawa sakin. Ayukong dumating ang araw na tumigil na sila sa pakikipag usap sakin natatakot ako

"Magandang kaarawan satin, kambal" Bati din sakin ni Cai at niyakap ako. Gumanti naman ako pero saglit lang, nang hihina agad ako

"Magandang kaarawan din, Cai" Gusto kong umiyak nang marinig ang boses ko. Bakit ganito? Bakit pati boses ko ay walang emosyon? Parang paos ang boses ayuko nito. Ano nalang ang sasabihin ng iba? Iiwan ba nila ako?

"Sampong taong gulang na kayo Elise, Cai. Gusto namin ng inyong ama na ipakasal kayo" Naka ngiting sabi ni ina at hinawakan ang kamag naming dalawa ni Cai

Kasal? Ang sabi nila pag nagpa kasal ka ay mag kasama kayong tatanda. Hindi niyo iiwan ang isa't-isa dahil nag sumpaan na kayo.

Pag ba nag pakasal ako ay hindi may kasama nako sa habang buhay? Gusto ko nun

"Pero inang reyna ayuko po, gusto ko po mag pakasal sa mahal kong babae. Maraming taon pa naman kami mabubuhay kaya makaka hanap po agad ako ng babaeng mamahalin"

Napa tingin naman ako kay Cai ng sabihin niya iyon. Madali lang sa kanya maka hanap ng asawa dahil hindi siya katulad ko. Siguradong maraming iibig sa kanya, sana ako din

"Ako inang reyna..." Nalipat naman ang atensyon nila sakin "Gusto ko po mapa kasal" Nag tinginan naman si ama at ina habang si Cai ay may pag tatakha sa mukha

Umupo naman si ama para mag pantay kami at hinawakan ang dalawa kong kamay. Parehas lang kami ni ama ng kondisyon pero bakit sa kanya may kaunting emosyon. Ang mata niya ay punong-punto ng emosyon at pag mamahal

Eh sakin? Wala.

Ang narinig ko sa iba 'ay naging ganito lang si ama simula nang mahalin niya si ina. Eto lang din daw ang makaka tapos ng sumpa 'pagmamahal' ang sulosyon. Pero paano ba iyon?

Kung ayon lang ang makakapag ligtas sakin sa dilim at sumpa. Gusto ko ng mag mahal, ang sabi din nila nag sisimula ang pag mamahal sa itsura.

Pag gwapo ay madaling mahalin, kailangan ko mag hanap ng pinaka gwapo sa aking mata sa buong palasyo

Pero iisa lang naman ang kilala ko kung ganon. Ang anak ng Duke na si France Lauxuia, siya lang ang nakita kong pinaka gwapo sa buong palasyo at sa kanya lang din ako interesado

"Prinsesa ko, sino ang gusto mong pakasalan at agad na ibibigay sayo ni ama. Lahat ng gusto mo ay ibibigay namin sayo" Ngumiti naman ng kaunti si ama at humalik sa noo ko

Alam ko ang dahilan kung bakit ako ang pinag tutuunan nila ng pansin. Prinsesa ako pero sakin napunta ang sumpa, kaya naka ramdam si ama ng guilty. Hindi ko daw dapat maranasan ito dahil hindi daw ito nararapat sakin

Tumingin naman ako sa buong paligid, mga dugong bughaw na nag sasaya sa kaarawan namin. Hinanap ko ng tingin si France at tumigil iyon sa direksyon nila kuya Xaeious

Nag uusap silang dalawa pero natigilan si France at napa tingin sakin. Kumunot ang noo niya sa aking pag titig mas lalo din siyang gumawapo, naka ramdam ako ng biglaang pag tambol sa dibdib ko. Ano ito?

Tinaas ko naman ang kamay ko at tinuro siya. Napunta naman ang tingin nila ama sa tinuturo ko at napunta iyon kay France. Lalong nag takha ang itsura ni France at si kuya naman ay napa tingin din sa amin

"Siya po ang gusto ko, ama"

⌒⌒⌒⌒⌒⌒

𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon