Chapter 11

6 4 0
                                    

╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 11
╚════════════. .✯ . ╝

Naka dilat ako at hindi ko magalaw ang katawan ko, hindi rin ako makapag salita. Naka tingin lang ako sa kisame kung saan nandoon si Hexia

Naka lutang siya sa kisame at may dugo sa kanyang bibig. Wala na ding kulay ang balat niya at ang dugo lang ang meron, papalapit siya sakin

Tumutulo narin ang luha ko dahil sa takot, pangungulila at sa konsensya ko. Kukunin niya naba ako? Gusto niya nabang mag higanti sakin?

Sobrang lapit niya na sa mukha ko at ganon parin ang tingin niya, unti-unti niya narin binubuka ang bibig niya. At sa puntong ito humagulgol na ako

Binuka niya ang bibig niya ng sobrang lake at bago pa bumagsak sakin ang dugo ay doon nako naka galaw. Napa upo ako at hinahabol ko ang hininga ko

Sumasakit nadin ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Napa hawak ako sa dibdib ko at nahihirapan nako huminga, basang basa narin ang mukha ko dahil sa pawis at luha. Wala narin siya

Halos gumapang narin ako paalis sa kama ko at pumunta sa lamesa para kunin ang gamot ko. Agad ko iyon nilagok at unti unti narin akong kumakalma

Napa tingin naman ako sa bintana at papalabas na ang araw. Umaga na pala, sa tabi naman ng bintana ang painting na ginawa ko

Nandon ang mukha ni Hexia naka ngiti siya dun ng matamis. At sobrang buhay ang painting na iyon, iyon ang araw na lumabas kami ni Hexia para mag libo't

Napa singhap naman ako sa sakit na nararamdaman. Sinampal ko naman ang sarili ko, ano kaba Elise bakit ba ganon iniisip mo kay Hexia

Hindi siya ganong bampira para gustohin kang masaktan. Kilalang kilala ko siya, hindi niya iyon magagawa ingat na ingat nga siya sa akin eh.

Tumayo naman ako at agad na naligo at nag ayos dahil balak kong mag sanay. Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin, halatang di ako naka tulog maayoaayos pero ayos narin iyon

Lumabas nako sa silid ko at napa hinto ako sa gilid dahil may naririnig akong nag kukwentuhan. Madilim dito sa hallway at mag paliko at doon sila naka pwesto

"Kahapon napanood mo ba ang laban ng prinsesa Elise? Sabi ng marami hinahabol na siya ng konsensya niya dahil sa nangyari"

Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko inaakalang ako ang pinag uusapan nila at diko rin alam na marami pala ang usap usapan na ganon

"Narinig ko nga iyon, sa tingin ko sinasadya niya gawin ang mga iyon. Hindi ba siya naawa kay Hexia, bata palang siya ngunit namatay na siya. Hindi manlang siya binigyan ng pagkakataon para mabuhay ng matagal"

Kumapit naman ako ng mahigpit sa suot ko dahil sa mga naririnig ko. Kahit saan ako mag punta inuusig nanaman ako ng konsensya ko

Gusto kong isigaw na hindi iyon totoo at hindi ko iyon sinasadya. Kaso wala akong lakas ng loob para gawin ko iyon, ano paba ang karapatan ko? Kasalanan ko din naman

Ayuko ng lumabas natatakot nako sa pwede pang marinig ko. Hindi kona alam ang gagawin ko pag nagka taon at baka mawala nako sa tamang pag iisip

𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon