Chapter 10

7 5 0
                                    

╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 10
╚════════════. .✯ . ╝

Ilang araw na ang nakaka lipas nang mawala si Hexia. Hindi nako lumalabas sa aking silid dahil sa labi na pagka sakim sa aking sarili

Pakiramdam ko wala nakong ganang mabuhay, nawalan ako ng rason para mabuhay. Si Hexia lang ang pinang huhugutan ko ng lakas

Siya lang ang una at nag iisa kong kaibigan, sobrang sakit parin ng puso ko. Ginagapangan din ako ng konsensya at maraming tanong ang nasa isip ko

Galit na siya sakin? Hindi niya ba ako mapapatawad sa pag patay ko sa kanya? . Sinusuklaman niya kaya ako?

Hindi kona nagagawa ang mga bagay na nagagawa ko dahil sa tulong ni Hexia. Hindi narin ako pumupunta sa pag sasanay at nawalan nako ng pake sa nangyayari

Inaamin ko ring napapabayaan kona ang sarili ko, hindi kona maasikaso ang sarili ko. Wala nang nag sasabi sa mga dapat kong gawin, wala na ring nag susuklay sakin tuwing gabi

Sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari, kung hindi ako nag padala sa emosyon ko. Hindi mamamatay ang nag iisa kong kaibigan.

Nawala naman ang pag iisip ko nang may pumasok sa silid ko, at si ina iyon. Kita ko ang lungkot sa kanyang mukha nang makita ang kalagayan ko

Umupo siya sa kama ko at hinawakan niya ang aking kamay. "Anak, nag mamakaawa ako kumain kana" Halos maiyak na siya nung sabihin niya iyon

Tumingin naman siya sa lamesa at sinundan ko din ang tingin niya. Kita ko ang maraming pagkain na nung nakaraan pang nilalagay diyan, ngunit hindi ko ginagalaw

Hindi manlang ako nakaramdam ng gutom o ano mang nararamdaman. Nawalan ako ng pake kahit sa sarili ko, gusto kona rin bawian ang sarili ko

'Wala nakong karapatang mabuhay'

Kahit yung bibig ko hindi kona magawang igalaw dahil sa sobrang tuyot ito. Hindi rin ako umiinom ng kahit ano, at hindi talaga ako nakikipag usap

"Wag mong sabihin yan. Itigil mo ang pag iisip mo ng ganyan Elise" Ramdam ko ang inis sa tono ni ina. Sino bang matutuwa sa sinabi ko diba

'Pinatay ko siya ina'

Ramdam ko ulit ang pag tulo ng mga luha mula sa mga mata ko. Nanlambot naman ang ekspresyon ni ina dahil dun

'Kinamumuhian na niya ako'

Hindi ko mapaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Sakit na ngayon ko palang naranasan sa buong buhay ko

"Shh naniniwala akong hindi ka kinamumuhian ni Hexia. Kilala mo siya at hindi siya ganong bampira"

Pinunasan naman niya ang luha ko. Alam ko naman iyon ngunit hindi talaga siya mawala sa isip ko. Parang sasabog na ang lahat ng nasa isip ko

"Mahal ka ni Hexia, mas binuwis niya pa ang buhay niya para lang hindi ka maka patay ng iba nang dahil sa kanya"

'At pano mo naman iyon nasabi, ina'

Kung totoo nga iyon, ano pa silbi nun kung siya lang din ang namatay. Halos hindi narin ako maka hawak ng espada dahil sa nangyari

𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon