Notes
Okay so hmm... can't remember the last time i wrote a journal entry but haha hindi ako okay, sa totoo lang. Wala akong makakausap dito. Okay naman si primo pero wala lang. Alangan namang ipakita ko sa kaniya ang message?
At isa pa, ayaw kong maging mas pabigat sa kaniya. Gusto ko lang talaga ipalabas ang mga hinanaing ko pero ayaw ko ring makaistorbo kaya rito na lang. (tysm at may notes app!!!)
So, ayun nga, mabilis akong ma-fall huhuhu bat kasi ang bait ni primo eh! Nakakatuwa pa siyang kausapin! Pano ba yan, lugi ako nito?! I mean, technically, hindi ako lugi sa kaniya. It's just that he's out of my league!
Bottomline is: gusto ko si primo. Hay huhuhuhuhuhuhuhu ayaw kong magkagusto sa kaniya huhuhu mama!!! How to uncrush?
Gusto kong i-deny pero feeling ko ay mas lalala lang 'to! Huhuhu paano ba 'to? Tas yung message pa!
Lintek na video na 'yun. Hanggang ngayon hindi pa rin mabura. Ba't kasi may mga taong ganoon? Ano ang mapapala nila? Nakakainis lang. Having peace with my past is something i have been struggling with. But with just one message, the work i did just so i can have a little bit of peace is crumbling.
Nakakainis na nakakaiyak.
I want to tell myself that i should jsut disregard that message. But i can't. Ayaw ko nang lumabas pa muli ang video na 'yon. Hindi ko na kakayanin. I cannot imagine myself going through it all over again. Sobrang nakakapagod. Nakakawala ng dignidad. Hindi pa ako tuluyang naka-recover ay babalik na naman.
Hindi naman akong pwedeng umalis dito. Hindi ko pa pwedeng layuan si primo dahil sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong manatili rito.
So yeah, i'm not actually sure if i'm concerned about my "like" towards primo. Or if it's about that message.
One thing is for sure though. I feel numb.
BINABASA MO ANG
Miara's Mistakes
Romancepov: it's 2020 and you went inside the wrong car and got stuck in a lock down with a stranger *** Miara met Primo because of a mistake. Will this chance encounter lead to another regrettable mistake, or will this prompt her to reconsider how she per...