(144) July 29, 2020

428 12 0
                                        

Sandal

Miara was on the verge of tears, her hands clasping on the sides of her Spanish book. Ilang oras niya nang binabasa ang libro pero hanggang ngayon, nalilito pa rin siya.

"Tanginang verb conjugations," mahina niyang bulong sa sarili. Kulang na lang ay punitin niya ang libro dahil sa inis.

One of the not-so-perks of studying in an international school is the mandatory foreign language class. Hindi siya makapili ng lengguwahe kaya ang Mama niya ang pumili para sa kaniya. Unfortunately, she chose Spanish.

Although it shares a lot of common words with Filipino, the conjugation of verbs is stressing her out.

Imbes na pilitin ang sarili ay niligpit niya na lang ang mga kalat at saka naglakad papunta sa bahay nila ni Nica. She didn't ride a tricycle and chose to practice her Spanish by pointing at random objects while saying them in Spanish.

Nang makarating kina Nica ay nadatnan niya ito na nag-aaral kasama ang mga kapatid. They were gathered around a circular table under a canopy. May maliit na mesa sa gilid at may mga pagkain at drinks doon.

"Ça va, Miara?" Nakangiting tanong ni Nica, mukhang nag-eenjoy sa pag-aaral ng French.

Unlike Miara, she and her sisters are taking French classes. Inaya rin ni Miara ang kaibigan na kumuha ng Spanish pero anito na gusto niya raw ng French guys kaya French din ang pinili.

"Paturo naman ng Spanish," naiiyak na sambit ni Miara. She sat beside one of Nica's sisters and opposite to Nica.

Tumango naman si Nica kaya nabawasan pag-aalala ni Miara. Pero nang nagsalita ulit ang kaibigan ay bumalik ang simangot nito.

"First vocabulary: hijo de puta!" Pumalakpak pa si Nica, proud na proud sa sarili. Napailing-iling na lang si Miara at dinala na lang sa tawa ang pagod.

The two of them spent the next minutes memorizing Spanish curse words. Nica's sisters probably got annoyed with their noise that they went inside their house. Naiwan ang dalawa na kumakain at nagtatawanan.

Nang maghapon, nagpaalam na si Miara sa kaibigan. Gusto niyang maglakad ulit pauwi kaya hindi siya dapat maabutan ng takipsilim. Medyo maaga pa naman pero gusto niyang maglakad nang mabagal.

While walking on the sidewalk, she continued what she did earlier. She pointed at random objects while saying their Spanish counterparts.

"Oohh... nube! Maravillosa!" She said while pointing to the cloud. Natawa na lang siya sa sarili pero ipinagpatuloy pa rin ang ginagawa.

"Las carretera es ancho! Puedo ver muchas halamans!" Natigil siya sa paglalakad nang may mapagtanto. "I mean..." she frowned, forgetting the Spanish word of plants.

"It's plantas," anang isang boses mula sa likuran niya.

Napakagat-labi si Miara nang mapagtanto kung sino iyon. Pinipigilan niya lang ang sarili na ngumiti nang nagkaharap na silang dalawa.

"Hi, pogi!" Magiliw niyang bati kay Primo. He smiled at her and took a few steps towards her. "Miss mo 'ko?"

Lumawak ang ngiti ni Primo at napayuko na lang habang umiiling-iling. Umismid si Miara dahil sa sagot nito pero nang magtama ulit ang kanilang mga mata ay mahinang tumango si Primo.

"I guess so..." he said with a shrug. Hindi na napigilan ni Miara ang ngiti at hinayaan na lang ang sarili.

Oo na! Kinikilig ako! Bakit ba?!

Sabay silang naglakad ni Primo. Kung kanina ay napakabagal na ng lakad niya, ngayong kasama niya na si Primo ay mas binagalan pa niya.

Gusto niyang makausap ang lalaki kaya 'di bale nang magabihan siya. At isa pa, baka sasamahan naman siya nito pauwi.

Miara's MistakesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon