Cake
"Tapos ko na!" Miara exclaimed, slightly jumping up and down as if really excited.
"Happy birthday, Primo," she said with a smile, then bringing the cake in front of Primo. "Walang kandila, imaginary na lang..."
Primo beamed at her, then dropping his gaze to the cake. He closed his eyes for a moment before blowing the imaginary candles.
"It's butter-cake, sana magustuhan mo," ani Miara at nahihiya pang bumelat kay Primo.
Primo took the cake and placed it on the bar counter. Doon siya umupo at saka tulalang pinagmasdan ang cake habang inoobserbahan naman siya ni Miara.
Mabilis na nilinisan ni Miara ang kusina ngunit nakatitig pa rin si Primo sa cake, mukhang walang plano na galawin iyon.
"Kung hindi mo gusto, hindi mo naman kailangan kainin," ani Miara at saka sumandal sa katabing upuan.
Primo turned to her with wide eyes. "What?" He shook his head and looked down with a small smile. "Hinihintay kita..."
Miara was unconvinced but still nodded. May kakaiba siyang napapansin sa lalaki pero pinili niyang huwag isipin ito.
Baka nalulungkot lang kasi birthday niya tapos estranghero ang kasama niya. Hula ni Miara.
Tumayo si Primo at saka kumuha ng mga kubyertos. Doon sila sa may bar counter umupo at saka tahimik na kumain. Miara felt awkward but only shrugged it off. Kahit hindi iyon maganda sa pakiramdam, sanay na siya sa ganoon.
Pasimpleng bumaling si Miara sa lalaki at nakita na nakatingin ito sa mga inumin na naka-display. May mga mixers at bar supplies din ang lalaki at hula ni Miara ay mahilig itong uminom.
Samu't saring mga brands ang naroroon at ang iba ay nakikita niya lang sa mga magazine o 'di kaya sa mga articles na nababasa niya.
"My cousins and I own a bar," Primo said, then taking a forkful of cake. "This is good, by the way. I like it."
Miara couldn't help but smile at his words. Napakagat-labi ito at nagpatuloy na sa pagkain. Hindi niya mapigilan na mamangha kay Primo lalo na nang marinig na may negosyo na ito kahit sa murang edad.
Gusto niya sana magtanong dahil naku-curious siya pero ayaw niya ring magmukhang chismosa.
"Iinom ka?" Ani Miara. Bumaling si Primo sa kaniya at saka umiling. "Gusto mo ng milktea? May ingredients ako roon."
Primo shrugged. "Alright... let me help this time."
Miara grinned and nodded. Inubos niya ang cake at saka kinuha na ang mga pinadala ng mga kaibigan. Katulad ng sinabi ni Primo, tumulong nga siya kay Miara.
"You're making your own boba?" Manghang tanong ni Primo nang makita ang tapioca starch.
Nakangiting tumango si Miara. "More work, less overthinking," she said with a chuckle.
She could feel Primo's eyes on her but chose to be oblivious about it. She continued to stir the mixture while Primo was beside her.
"I really like milktea," she shared. "Though, I'll like it more if it's sleep inducing."
"But it's not," ani Primo.
Tumango-tango si Miara at saka sumulyap sa katabi. "Yup. That's why there's such thing as alcohol!"
Primo moved, then taking the spatula. Sandali pang napaigtad si Miara lalo na't nagtama ang kanilang mga balat.
"Yeah, I can agree," Primo said in almost a whisper. For some reason, Miara is almost certain that if she's not here, Primo would surely drink.
Alam na alam niya ang expresyon na nakikita niya sa hitsura ni Primo dahil ganoon din siya. He has this look on his face that says that he's ready to get alcohol-drunk.

BINABASA MO ANG
Miara's Mistakes
Romansapov: it's 2020 and you went inside the wrong car and got stuck in a lock down with a stranger *** Miara met Primo because of a mistake. Will this chance encounter lead to another regrettable mistake, or will this prompt her to reconsider how she per...