Jealous
"Tao po! Tao po!"
Nanlaki ang mga mata ni Miara nang marinig ang isang pamilyar na boses. Katatapos niya lang maligo at sakto lang ang paglabas niya ng banyo nang narinig niya ang sunod-sunod na mga katok.
"Miara? Are you there? This is Fico! Birthday ko ngayon!" Halata sa boses ni Fico ang excitement nito. Kulang na lang ay sirain nito ang pinto dahil sa kagalakan.
"Teka lang!" Sigaw pabalik ni Miara bago dali-daling nagbihis.
She didn't bother to comb her hair. Ang importante ay disente ang kaniyang damit.
"Fico!" Aniya nang binuksan ang pintuan.
Nanlaki na lang ang mga mata niya dahil sa gulat nang makita si Primo. She squinted her eyes, thinking that she's only hallucinating about the guy who has been living rent free in her mind.
"This is Primo, Miara," anang malalim na boses ng lalaki. Huli na lang napansin ni Miara na sinusundot-sundot niya na pala ang pisngi ng lalaki.
Nahihiyang tumango si Miara sabay iwas ng tingin. "Nasaan si Fico? Siya 'yong narinig ko kanina, ah!"
Ayaw niya mang makaramdam ng pagkailang, hindi niya pa rin mapigilan ang sarili. Hindi niya alam kung paano kumilos ngayong nandito na si Primo.
May parte sa isipan niya na gustong balewalain ang mensahe ngunit mas nangingibabaw ang kaba. Ayaw niya talagang madamay ito sa mga kaganapan sa buhay niya.
Sandaling nag-usap ang dalawa bago bumalik sa loob ng bahay si Miara para mag-ayos. Dali-dali siyang nagbihis dahil naghihintay si Primo sa kaniya.
She insisted that he can just go back to their house, but he also insisted on waiting for her. Kaya heto sila ngayon, tahimik na naglalakad papunta kina Primo.
Nang makarating sina Miara ay tapos na rin sa pag-aayos ang magpipinsan. Mukha ngang siya na lang ang hinihintay nila.
Katulad noong nag-hiking sila, may kaniya-kaniyang bag ang magpipinsan. Gusto niyang siyasatin ang mga kasuotan nila ngunit nakalutang ang isipan ni Miara sa kung saan.
Nag-van sila papuntang beach at ani Ciara na pag-aari raw ito ng pamilya Velasquez dela Rivera. Malawak ang beach at malinis. May kakaunting mga cottages ngunit pribado for family use lang.
Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarating sila sa tapat ng isang malamansyong beach house. It was an all-white three-story house with a spacious porch.
"That's the first living room," ani Ciara bago tumakbo papunta sa tinutukoy nitong first living room.
It looks like a porch to Miara but Ciara described it as something else. Although it does look like it's not a porch. Parang living room nga ito na hindi lang naka-enclose sa dingding.
May mga puting couches sa first living room at may isang malaking lampara. May isang pahabang mesa rin na napapalibutan ng mga silya. Sigurado si Miara na Kenneth Cobonpue ang mga ito.
The front door was made of glass and it reflected the view in front of it like a mirror. Hindi muna pumasok si Miara sa bahay dahil gusto niyang pagmasdan ang kabuuan ng bahay.
Both the second and third floors have glass doors that are facing the beach; it was the same like the ones in the main entrance. May malawak na balkonahe rin ang dalawang palapag. May mga upuan at mesa nga lang 'yong nasa second floor.
Miara couldn't help but heave a dreamy sigh. Nagagandahan siya sa bahay lalo na't malinis ito. Just like most modern houses, it has a flat roof, yet it still looks elegant and classy.
BINABASA MO ANG
Miara's Mistakes
Storie d'amorepov: it's 2020 and you went inside the wrong car and got stuck in a lock down with a stranger *** Miara met Primo because of a mistake. Will this chance encounter lead to another regrettable mistake, or will this prompt her to reconsider how she per...
