(163) August 22, 2020

70 6 1
                                    

Stay

Miara was amazed with the wedding, especially during the reception. Ito ang unang beses na nakadalo siya sa isang Chinese wedding.

Although it's almost the same as the ones she attended before, may mga parte lang talaga ng programa na naiiba, katulad na lang ng Lion dance.

Nakakapanood lang siya ng Lion dance tuwing Chinese New Year pero hindi niya kailanman na-imagine na may ganoon din sa mga kasal.

"It's to shoo off the evil spirits," ani Tommy at bumaling kay Miara. Puno pa ng noodles ang kaniyang bibig ngunit ngumiti pa rin.

"Yeah... though I'm not sure if it's working," bored na dagdag ni Fico sabay pagod na tinitigan ang kaharap niya sa mesa—si Cleo.

Miara was seated with Primo, Fico, Atien, Mav, Tommy, Ciara, and Cleo. Noong una ay dapat sa ibang table sina Ciara at Tommy ngunit nagpumilit talaga na sumama sa table nila ni Miara.

Nakatulog kasi si Tommy sa gitna ng kasal kanina at si Miara ang gumising sa kaniya. Dahil doon ay nakipag-deal si Tommy na siya ang bahala kay Miara sa reception basta huwag niya lang ipagsabi na nakatulog ito.

Miara also met Primo's dad. Nang ipinakilala siya ni Primo ay umakto ang ina nito na hindi sila nakapag-usap.

"This is Miara," Primo introduced. Nakapalibot ang kaniyang braso sa baywang ni Miara. "Nililigawan ko."

Primo's dad nodded while his mom only smirked. His father looks uninterested but Miara didn't take it personally since he seems uninterested with everything else.

"I'm always curious why there's always bihon," bulong ni Miara kay Primo.

"It's for long life!" Masiglang sagot ni Tommy.

Napailing-iling na lang si Miara. Mukhang takot talaga ito na malaman ng iba na nakatulog siya sa ceremony.

"The question was for me!" Ani Primo at sinamaan ng tingin si Tommy.

Miara only chuckled before leaning her back on Primo's chest. Magkalapit ang kanilang upuan at kulang na lang ay kumandong siya sa lalaki.

"You didn't ask, but the shrimp symbolizes happiness since the Mandarin word for shrimp and smile sound similar," Primo whispered in her ear.

Dahil sa ginawa nito ay nakiliti si Miara. Nasa gilid ng kaniyang tainga ang bibig ni Primo at para tuksuhin siya ay bumubuga ito ng hangin.

"And the noodles is for long life!" Biglang lumayo si Miara nang biglang nagsalita si Tommy.

Napaubo-ubo siya ngunit parang wala lang iyon kay Primo at hindi pa rin bumabalik sa pagkakahilig sa sariling upuan nito.

Tommy eyed her innocently before his lips broke off into a mischievous grin. He nodded enthusiastically and smirked at his Ahia who was also smirking back.

"Sus, he's just nagpapa-gooding sa 'yo, Ate Miara," pagsali ni Ciara sa usapan at bumelat kay Tommy. "Close kasi kayo ng crush niya."

Fico, Atien, and Mav all turned to Tommy with a grin. At dahil si Fico ang katabi nito, ginulo nito ang buhok ni Tommy. Sina Mav at Atien naman ay sinusubukan din siyang abutin para kurutin ang mga pisngi nito.

"Hindi nga ako gusto nun!" Paismid na sagot ni Tommy at inalis ang kamay ni Fico sa kaniyang buhok. Kahit nakasimangot ay nasisilayan pa rin ni Miara ang ngiting gustong tumakas sa labi nito.

"Sinabi ko bang gusto ka niya? And sabi ko, ikaw ang may gusto," nakangising tugon ni Ciara at bumelat ulit sa kapatid.

Tommy didn't answer back but only repeated Ciara's words with a mocking tone. Inaabot ni Tommy ang prawn salad na nasa rotating tray ngunit dahil nasa harapan ito ni Ciara, bago pa mapaikot ni Tommy ang tray, kinuha na ni Ciara ang gusto nito at inubos na nilagay sa sariling plato.

Miara's MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon