Deserve
Bumangon si Miara na nakakunot ang noo. Habang kinukusot-kusot ang mga mata ay unti-unting bumabalik sa kaniya ang mga nangyari.
Her chest feels heavy and she's aching all over. Although she didn't do much, it felt like she did a strenuous activity. Parang gusto niya lang matulog ulit.
She got up from the bed, wandering her eyes around. Ilang beses na siyang nakapunta rito sa bahay nina Primo ngunit ito ang unang beses na nakapasok siya sa kwarto nito.
As expected, his room is huge. Ngunit mas lumawak itong tingnan dahil walang masyadong gamit. Nasa gitna ang kama at may bedside table sa isang gilid.
May bookshelf siya sa isang corner at may study table at swivel chair. Sa kabilang gilid naman ay may couch at coffee table. May isang pinto rin na hula ni Miara ay para sa banyo at walk-in closet.
Maliban sa nakikita ni Miara ay wala nang laman ang kwarto nito. He doesn't have any picture frame nor paintings hanging on his wall.
Napailing na lang si Miara dahil sa mga naiisip. In her head, she was already designing the interiors of Primo's room.
Lumabas siya ng kwarto nito. Nasa ikalawang palapag siya at kahit nasa itaas siya ay kitang-kita niya ang buong salas. Isang chandelier na lang ang nakabukas kaya medyo madilim na ang paligid.
She stood behind the balustrade and looked down. She saw two shadows approaching each other. Silhouette lang ang nakikita niya ngunit alam niya na ang isa ay si Fico.
"What are you doing here?" May diing tanong ni Fico na, kung sino man ang kausap niya, ay parang ayaw na ayaw niya itong makita.
Miara didn't want to pry so she descended the grand staircase. Gusto niya lang naman kasing hanapin si Primo.
"Bakit? Hindi ba ako pwede rito?" Anang boses ni Cleo.
"Hindi," diretsahang sagot ni Fico.
Nakababa na si Miara sa hagdan kaya nakikita niya ang dalawa. The light was shining upon the two so she saw how Cleo winced when Fico answered.
"Ouch!" Cleo said while dramatically placing a hand on her chest. "I'm just here because I'm worried about what happened!"
"We don't need your worry," malamig na sagot ni Fico at nagpamaywang. "I'm pretty sure it's your PR team who told you to come here!"
Kumunot ang noo ni Miara. Naku-curious siya sa pinag-uusapan ng dalawa.
Hindi naman siguro ito tungkol sa video, diba? Tanong niya sa sarili. Probably not. They might not even care.
"Tss! Hindi naman para sa 'yo ang worry ko!" Cleo rolled her eyes and crossed her arms.
"Primo doesn't need it either... and neither does Miara."
Nanlaki ang mga mata ni Miara nang marinig ang sagot ni Fico.
So it is about me! Napakagat-labi siya. So they know! Alam nila!
Halos maiyak-iyak na si Miara dahil sa mga naiisip. She can't bear the idea of having to unfriend them... or the idea that they might not want anything to do with her.
Hindi man ganoon kahaba ang pagsasama nila pero mahalaga na sa kaniya ang mga pinsan ni Primo. It might've only been months since they met but she really treasures what they have.
Naputol ang mga iniisip ni Miara nang tumawa si Cleo. "Grabe ka, ha! I saw your comment on my Tweets... now your followers are against me too! Heartthrob ka pa naman... tss..."
BINABASA MO ANG
Miara's Mistakes
Romansapov: it's 2020 and you went inside the wrong car and got stuck in a lock down with a stranger *** Miara met Primo because of a mistake. Will this chance encounter lead to another regrettable mistake, or will this prompt her to reconsider how she per...
