Favor
Miara just finished her last project for the day and was about to sleep. Sinisiguro niya na lang na naka-lock na ang mga pintuan at nakasara na ang mga bintana.
Paakyat na siya sa kaniyang kwarto nang may narinig siyang mga yapak kasabay ng dalawang mahinang boses. The voices are familiar to her.
Dali-dali siyang bumaba sa hagdan at nilapit ang tainga sa pintuan. She pressed her ears on the door as if she were some gossipmonger who's thirsty for news.
"Is my sister expecting you?" Anang isang boses.
Nanlaki ang mga mata ni Miara nang mapagtanto na ang kapatid niya nga iyon.
Hindi niya na matandaan kung kailan ang huling pagkikita nila. Alam niyang busy ito kaya hindi niya na hinuhulaan kung kailan ito uuwi.
"No, po. I just want to give these to her."
Hindi niya alam kung ano ang tinutukoy nito pero sigurado siyang kay Primo ang isang boses.
Hindi niya alam kung saan siya mas magugulat—sa pagdating ng kapatid niya o ni Primo.
"Pasok ka."
When she realized what her sister said, she panicked and ran. Gusto niyang tumakbo sa kwarto niya ngunit sigurado rin siya na hindi siya makakaabot. And through a split-second decision making, she chose to throw herself on the floor instead.
Baliktad pa ang pagkakahiga niya at ang isang pisngi niya ay nasa sahig. Gusto niyang sabunutan ang sarili sa inis. Pwede namang sa sofa siya mahiga o pwede ring salubungin niya na lang ang dalawa.
"Miara!" Primo's panicky voice rang. Tumaas ang boses nito, nagulat ata sa nakita.
Ang kapatid niya naman ay humalakhak lang.
Gusto niyang umalis sa sahig ngunit nahihiya na. Her body froze when she felt someone kneel beside her. And basing on the scent, it's surely Primo.
"Miara," tawag nito sa nag-aalalang boses.
Hinawakan siya nito sa likod ng kaniyang leeg at sa baywang at unti-unting pinaharap. Maingat na maingat ang paggalaw ni Primo na para bang isa siyang porselana na mababasag sa isang maling galaw.
"Hayaan mo na 'yan! Gising 'yan!" Anang kapatid ni Miara na natatawa pa rin. "Miara, you're making a fool out of yourself."
Biglang sumeryoso ang boses ng kapatid niya at naging kahawig sa boses ng kanilang ina. Kinabahan si Miara sa pag-iisip na kasama nito ang kanilang ina kaya dali-dali naman siyang tumayo.
At dahil nakapikit siya noong una, hindi siya nakailag kay Primo at nabunggo ang mga noo nila. Hindi rin nakaiwas si Primo dahil bigla na lang siyang tumayo.
Habang sapo-sapo ang noo ay tinulungan niya patayo si Primo. Hawak din nito ang sariling noo pero agad ding napangiti nang magkatinginan sila.
Tumikhim ang isa nilang kasama kaya sabay silang napatingin sa kaniya.
"Uh... Primo, this is Ate Maira." Sumeryoso siya bigla. "Ate, si Primo. Kilala mo na siya."
The two shook hands. Hindi naman strikto ang kapatid niya kaya wala siyang dapat aalahanin. At kahit sunod-sunuran ito sa ina nila, nasisiguro niya namang hindi nito sasabihan ang Mama nila.
Nagpaalam na ang kapatid niya at magpapahinga na raw ito kaya si Miara na ang bahala sa bahay nila.
Dumiretso silang dalawa sa labas at umupo sa swing. And as expected, the breeze in the province is different than that of the city's. It's much cooler and invigorating.
Tuwing umiihip ang hangin ay pakiramdam ni Miara ay binubuhusan siya ng malamig na tubig. Buti na lang at naka-long sleeves siya kaya hindi siya napuruhan sa lamig.
Nang dinala niya ang mga tingin kay Primo ay nakita niyang nakatingin na ito sa kaniya. She smiled at him and he did the same.
Gusto niyang magtanong tungkol sa appointmenrt nito kanina. She admits that she's curious, but she also won't let her curiosity make Primo uncomfortable. Kahit gusto niyang malaman ay naiintindihan niya na may dahilan naman ang lalaki para piliing itago muna ito.
The least that she can do is to give him his privacy. Baka napaka-seryoso niyon at kailangan pala ng lalaki ng moral support ngunit hindi lang nagsasabi.
"It's may cousin's wedding next week... do you mind being my plus one?" He asked with a hopeful look. Hindi niya man ito pinahahalata pero kitang-kita naman ni Miara sa mga mata nito.
Miara nodded. "Sino ako para tumanggi?" Dinaan niya na lang ang sagot sa pagbibiro. Gusto niya rin naman kasi at wala namang mali kung papayag siya.
"Will you be comfortable?"
"Oo nga... ito naman, parang ayaw pa," Miara jokingly frowned but Primo only shook his head while chuckling.
He then handed her the paper bags that he's been carrying earlier. Dalawa iyon at kulay brown. Hindi naman mahulaan ni Miara ang laman.
"I brought you some cake," he said as he raised both paper bags to the side of his face. It was as if he's excitedly showing it off to her. "These are from Calea."
And Miara being a cake-lover, she excitedly took the paper bags from him. Hindi niya naman kakainin pero gusto niya lang tingnan ang laman. Hindi naman kasi naka-box kaya siguradong samu't saring flavors and binili nito.
"Thank you... but these are too much for me... pero mauubos ko naman—"
"And that's why you should share it."
Tumango si Miara at saka hinarap ulit si Primo. "Okay! Bibigyan ko si Nica!"
Primo's hopeful look turned upside down. May maliit na ngiti pa rin ngunit parang tinutukso na si Miara gamit ang kunwaring-simangot nito.
"I meant me... we'll eat it together... but that works too!"
Sabay silang natawa dahil doon. Miara can't help but like this adorable side of Primo. Hindi niya alam kung saan ang mas gusto niya—iyong seryoso o itong parang bata.
"Sige, sa 'yo rin!" Pambawi niya.
Napailing-iling na lang si Primo bago siya inakbayan at pinasandal sa kaniyang gilid.
Katulad kahapon, pinikit ulit ni Miara ang mga mata at nagdasal. She has high hopes now... and she's hoping that the Heavens will favor her now.
BINABASA MO ANG
Miara's Mistakes
Romancepov: it's 2020 and you went inside the wrong car and got stuck in a lock down with a stranger *** Miara met Primo because of a mistake. Will this chance encounter lead to another regrettable mistake, or will this prompt her to reconsider how she per...
