(155) August 10, 2020

395 13 0
                                        

Lover

"Kumusta buhay ng may love life?" Nanunuksong tanong ni Ali.

Nagvi-video call sila ngayong tatlo ni Isa. Si Isa, busy sa pagsusulat, aniya na inaayos daw niya ang mga notes niya pero nakikipag-usap pa rin naman. Si Ali naman ay kumakain ng chips at nag-aaya pa na manood ng movie gamit ang stream sa Discord.

"Wala pa nga!" Tinago ni Miara ang nararamdamang hiya sa nanunuksong tono. "Confession stage pa lang kami..."

"Pero ano..." pagpapatuloy niya, gustong magkwento. "I'm comfortable with him. Nag-jogging din kami kaninang umaga bago ng mga klase namin."

Everything still seems surreal to Miara. Who would've thought that that mistake would lead to this?

"Parang teenager ka na kinikilig," puna ni Ali sabay tapon ng isang piraso ng chips sa kaniyang bibig. "Understandable naman..."

"Kung si Kuya Pogi lang naman, sinong hindi kikiligin doon?" Komento ni Isa. Nakatingin nga siya sa harapan pero hindi naman sa camera. Sigurado si Miara na may binabasa ito sa screen.

"Doon ka na lang kasi sa kapatid!"

"Shut up!" This time, Isa turned to the camera and glared at them while Ali only laughed.

Napailing-iling na lang si Miara dahil sa dalawa. Na-miss niya rin ang mga ito ngunit halata namang busy at nag-a-adjust pa sa online class.

Minsan na lang sila nakakapag-usap ngunit naiintindihan naman ni Miara dahil siya mismo ay ganoon din. Kadalasan ay sa Twitter na lang siya nakakakuha ng updates mula sa dalawa.

Sa gitna ng pag-uusap nila ay nag-vibrate and phone ni Miara. Binuksan niya iyon at nakita ang message ni Primo.

Primo:

Hi.

Hello.

Uhm

This is a bit weird for me.

My last class just ended.

Not that you asked.

Lol

I just thought you should know?

Napangiti si Miara dahil sa mga mensahe nito. Hindi siya nakakapagtipa ng reply dahil pabalik-balik pa ang message bubble. Halata nga na hindi sanay sa ganito ang lalaki.

So adorable. Miara thought to herself, unaware that she's already beaming and that Ali and Isa are already taking pictures of her through the screen.

"Parang baliw lang." Bumaling si Miara sa laptop niya nang magsalita si Isa. Nakataas pa rin ang phone nito at kitang-kita sa screen, halatang nagvi-video ng live reaction niya. "Nag-text si Kuya Pogi?"

Nakangiting tumango si Miara, hinayaan na ang sarili na namnamin ang mga nararamdaman. She can't remember the last time she felt this way. It's like a sugar rush that brings waves of intoxicating emotions.

"Aminin mo na kasing kinikilig ka!"

"She's living her fictional dream," Isa giggled and wriggled like a worm. "Your Wattpader self must be rejoicing."

Miara rolled her eyes playfully while still smiling. "Matagal na nga akong hindi nakakapagbasa!"

Patuloy silang nagtuksuhan at natigil lang ito nang nagtanong si Ali kung ano ang laman ng mensahe ni Primo. Saka na lang natandaan ni Miara na hindi pa pala siya nakapag-reply. Nawindang siya sa tuksuhan nilang tatlo.

Miara:

Hello rin

Napasimangot si Miara nang mapagtanto na awkward nga. Maybe it's because they still haven't talked about on how this will go? Or maybe it's because they're both conscious?

Miara's MistakesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon