(145) July 30, 2020

142 8 0
                                    

Mistakes

"So, magde-date kayo?" Tanong ni Nica kay Miara. Napasimangot naman si Miara dahil sa narinig. Hindi niya na mabilang kung ilang beses nang tinanong ni Nica iyon.

She keeps on insisting that Primo inviting her to tour their hacienda is a date. Ilang beses niya nang ipinaliwanag kay Nica na inaya lang talaga siya ni Primo at wala iyong malisya ngunit ayaw talagang maniwala.

"Kung sasabihin kong oo, titigil ka na?" Nakangising sagot ni Miara. Sigurado siyang hindi titigil si Nica hanggang sa um-oo siya.

Tanong nang tanong, hindi naman naniniwala!

She shook her head again. "Ah, basta. Kung ano man 'to, wala talagang malisya."

Malisya. There goes that word again. Ilang beses nagpaulit-ulit ang pag-uusap nila ni Primo sa kaniyang isipan.

After that conversation, they shifted on to another topic. Miara didn't feel awkward but she knows that something changed.

Pero imbes na pag-usapan iyon ay inaya siya ni Primo sa kanilang hacienda para maglibot-libot. Kaya heto siya ngayon, tumatambay kina Nica habang hinihintay si Primo na sunduin siya.

Hindi nagtagal ay dumating din si Primo. Nakaputing shirt ito, khaki shorts, at saka naka-Crocs. Mukhang katatapos lang maligo dahil mabasa-basa pa ang buhok nito.

Primo conversed with Nica and her sisters. They talked about haciendas and plants and farming and all things agriculture for a few minutes.

Tahimik silang naglakad papunta kina Primo. Anang lalaki na naroroon din ang kaniyang mga pinsan at mga kapatid.

Miara felt nervous for some reason. She knows that this means nothing but it also felt like she's being introduced to her boyfriend's family... even though they're not together... even though Primo made it clear that they shouldn't go into that path.

The silence was only broken when Miara's phone rang. It was Isa and Ali calling in their group chat. Miara glanced at Primo before answering the call.

Sasabihin niya lang naman sa mga kaibigan na may pupuntahan siya at saka na lang siya sasali sa chismisan ng dalawa.

"Ate Miara!" Magiliw na bati ng dalawa. Pina-on pa nila ang camera ni Miara para video call daw.

Nahihiya namang inilayo ni Miara ang phone para hindi nila makita si Primo. Wala pa naman siyang earphones kaya maririnig talaga ni Primo kung manunukso ang dalawa.

At isa pa, ayaw niya ring isipin ni Primo na sinasadya niyang isipin ng ibang tao na may kung anong namamagitan sa kanila.

"Nasaan ka? Don't tell me may machong hacienderong boyfriend ka na?" Ani Ali.

Nanlaki naman ang mga mata ni Miara at napatingin na lang kay Primo. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi nito bago napailing-iling.

"Hindi! Namamasyal lang!" Miara felt her cheeks burn.

Sigurado siyang namumula na siya ngayon. Hindi pa naman ganoon ka mainit kaya wala siyang ibang pwedeng gawing dahilan kung bakit siya namumula.

Sandali silang nag-usap ng kaibigan bago siya nagpaalam. Sigurado kasi siya na kung magtatagal siya sa tawag ay kung ano-anong mga tanong pa ang makukuha niya.

"Sina Isa at Ali," aniya, nahihiya, at tinago na ang phone sa bulsa. "You've met them."

Nararamdaman niya ang tingin ni Primo sa kaniya kaya pinili niyang ituon ang mga mata sa harapan. Ayaw niya munang makaharap ang lalaki dahil baka madagdagan lang ang pamumula ng kaniyang mga pisngi.

Miara's MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon