The de la Riveras
Maingat na naglalakad si Miara sa gilid ng kalsada. Hawak-hawak niya ang kaniyang payong na kulang na lang ay tangayin na ng hangin dahil sa lakas ng ihip nito.
Muntik na siyang matapilok dahil nang umihip ulit ang hangin ay natabunan ng buhok niya ang kaniyang mga mata at na-out balance pa.
Napailing-iling na lang siya sa sarili at patuloy na naglakad. Wala kasi siyang mahanap na tricycle kaya naglakad-lakad na lang siya.
Nasa gitna siya ng paglalakad nang may bumusina sa 'di kalayuan. Tatakbo na sana siya palayo dahil papunta sa direksyon niya ang motor. Huli niya na lang napagtanto kung sino ang sakay niyon.
"Hoy, baliw! Ako 'to!" Sigaw ni Nica at hinubad na ang helmet. "Akala mo lasing ako, no!"
Natawa na lang si Miara dahil sa kaklase. Isa si Nica sa mga nakilala niya dahil hindi lamang sila pareho ng university, taga-La Carlota rin ito.
Haciendera ang pamilya nina Nica at magkakilala ang magulang nito at ang Mama ni Miara. Ang pamilya rin ni Nica ang dahilan kung bakit mabilis na nakapasok si Miara sa university na nilipatan.
"Angkas na!" Pag-udyok ni Nica.
Dahan-dahan ang takbo nila kaya mas na-appreciate ni Miara ang mga tanawin. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay ni Nica mula kina Miara pero kung lalakarin ay malayo talaga ito.
Malawak ang kalupaan nila at nagmistulang bahay-kubo na lang ang dalawang-palapag nilang bahay.
"It's huge, right?" Ani Nica sabay kuha ng helmet na hiniram ni Miara. "You should check out the haciendas of the de la Riveras. Kulang na lang pati 'yong mga kalupaan namin ay bilhin din nila."
"Hindi ko kilala," Miara said, her eyes looking around the vast land. "Hindi naman kami taga-rito. Naka-assign lang talaga ang kapatid ko rito para sa trabaho."
"Basta sila 'yong tinataguriang alta pamilya rito. Kaso lowkey nga lang pero sobrang yaman. Matagal na silang hindi nakakapunta rito pero rinig ko ay nandito na ulit sila," pagkuwento ni Nica.
Nakinig naman si Miara dahil naku-curious siya. Ibang-iba kasi talaga ang probinsya at mistulang panibagong mundo naman ang pinasukan niya.
"Rinig ko rin na marami silang mga ari-arian sa iba pang siyudad pero taga-rito talaga ang mga de la Rivera."
Ginugol nila ang buong umaga hanggang hapon sa paggawa ng kanilang proyekto. Nang matapos na ang ginagawa ay inaya sila ng mga kapatid ni Nica na maglakad-lakad.
Nica was so enthusiastic about the de la Riveras that she insisted on walking pass by some of the houses owned by the said clan.
Ang kalupaan na nakapalibot sa ari-arian nina Nica ay pag-aari na ng mga de la Riveras ngunit ang mga pamamahay nila ay malayo-layo pa.
Tumigil sila sa harap ng isang hacienda para magpahinga. Hindi nagtagal ay namataan nila ang iilang tao na palabas sa malaking bahay na nasa gitna ng kalupaan.
Habang palapit nang palapit ang mga taong nagsilabasan ay unti-unti na ring nakikita ni Miara ang mga hitsura nila.
She gasped when she realized who they were. Napatingin sina Nica at ang mga kapatid nito sa kaniya.
"In fairness, may mga looks sila, ano!" Anang isang kapatid ni Nica.
Hindi makapaniwala si Miara pero napangiti na rin kalaunan, lalo na nang magtama ang mga mata nila ng isa sa mga papalabas ng hacienda.
"Yeah... lalo na 'yong nakaputing shirt and parachute shorts." Napangisi na lang siya sa sarili sabay kindat sa papalapit na Primo.
BINABASA MO ANG
Miara's Mistakes
Romancepov: it's 2020 and you went inside the wrong car and got stuck in a lock down with a stranger *** Miara met Primo because of a mistake. Will this chance encounter lead to another regrettable mistake, or will this prompt her to reconsider how she per...
