Chapter 27

110 10 4
                                    


Chapter 27

"Who are you?!"

Matapos marinig sa lalaki na isa itong Tiates ay kaagad na nilunok ni Krisitiana ang kanyang takot at tumayo. Binunot niya ang kanyang espada na nakasukbit sa kanyang tagiliran at saka ito itinutok sa leeg ng lalaki.

"I believe your turn to ask question already ends. Sit back if you don't want to lose your head. I don't want blood to splatter here." Malamig na sabi ni Rumi.

Hindi alam ni Kristiana kung bakit pero pakiramdam niya ay totoo ang sinasabi nito. Tinimbang muna niya ang galaw ng lalaki. Rumi seems to stayed still at his seat while looking at her but his gaze is sharp, na sa isang maling galaw mo lang ay talagang mapapatay ka niya. Kristiana swallowed before slowly pulling her sword back.

As soon as Kristiana sheathed her sword ay walang imik na iginiya ni Rumi ang palad sa upuang kanina'y kinauupuan ni Kristiana, wordlessly asking her to seat back, bagay na ginawa ni Kristiana.

"Now, I want you to be honest with me. I can see that you already know the consequences given that you're wary of Tiates. So no bullsh*ts, alright?"

Huminga nang malalim si Kristiana. "Ipangako mo muna na wala kang gagawin na ikakasira ng Valscom kingdom."

Rumi sneered. "Seems like you're really involve, huh? I won't promise that, but I swear not to do anything rash without knowing the whole truth."

Napalunok si Kristiana. Mukhang may balak nga ito na gumawa ng malaking bagay. Hindi niya gusto na hindi nito siniguradong wala siyang gagawin laban sa Valscom kingdom, but she should be satisfied with his compromise kaya tumango siya.

"Now, tell me everything that's related to my brother's death." Seryosong sabi ni Rumi.

Nagsimulang magpaliwanang si Kristiana. Sinimulan niya sa panahong pumunta ang isa sa mga prinsesa ng Valscom sa ruins, ang ulat na kinidnap ito ng mga hindi kilalang kalalakihan, ang pagyanig, pagdating nila sa ruins, ang estado nito noong dumating sila, ang pagramdam niya sa energy ng prinsesa, hanggang sa ang pagpatay ni sir Austin sa kapatid ni Rumi dahil sa pag-aakalang isa itong halimaw na kumain sa prinsesa dahil dito nasagap ang energy. Strangely, bukal sa loob ni Kristiana na sabihin ang lahat ng iyon, the same way she felt when she was talking with him earlier.

"You didn't tell me how you found out my brohter is a Tiates." Sabi ni Rumi.

Nag-aalangan pa si Kristiana kung sasabihin sa lalaki dahil sikreto ito ng kanilang kaharian at nangako siya sa doktor, pero mukhang may sariling desisyon ang bibig niya.

"It's a confidential information. Batay sa pag-aaral ng international health leaders sa pangunguna nang Mind's world ay napag-alaman nila na maaaring may mapre-parehong DNA ang mga Tiates. One of the doktor I brought had a sample of one of the Tiates and conducted a test noong naghinala siya na Tiates ang kapatid mo."

"So you cut my brother's body into pieces?"

Kasabay nang pagsabi noon ay naramdaman ni Kristiana ang matinding hostility mula kay Rumi. It was heavy and thick enough to affect her. Napahawak siya sa kanyang leeg dahil nahihirapan siyang huminga. Hindi siya makatingin sa mga mata ni Rumi dahil hindi niya alam kung kakayanin niya ang matalim na tingin nito.

'Just how strong is he to affect me like this? Hindi ako ang pinakamalakas sa order, but with my 100 years of living, I was confident with my experience. I shouldn't be affected like this.' Sabi ni Kristiana sa sarili.

"I-it was necessary. Sa kanya namin naramdaman ang enegy ng prinsesa. His flesh is burnt and hard to confirm kung tao ba siya o halimaw na kumain sa prinsesa. At kung tao siya, hindi namin alam ang identity ng lalaki. I already told you, pinag-isipan namin na isa siya sa mga kidnapper ng prinsesa. The one who was missing is a princess of a kingdom, hindi isang simpleng tao lang. Her death affects the kingdom, at sa ibang lupa siya namatay. Ano sa tingin mo ang mangyayari? Kung hindi maipaliwanag ang pagkawala o pagkamatay ng prinsesa, iisipin ng Valscom kingdom na maaaring may kinalaman ang Jahda desert officials sa nangyari. It can be used as a political tool. Naiintindihan mo ba? There might be a war! And we might prevent it through that!"

Surviving in the New WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon