Chapter 33

96 11 1
                                    

Chapter 33


While Al and Rumi were saving the trapped members of the scout teams, the people in the base camp were oblivious to what's happening. Abala ang mga ito sa pagsasaayos ng camp. They need to clean the surroundings due to the aftermath of the battle dulot ng pag-aalsa nila Cosmo, at biglaang pag-atake ng mga zombies. Thankfully, the walls have minimal damage kaya madali lang nila itong naayos. Medyo natagalan lang sa paglilinis ng mga katawan ng zombies dahil sa kakaunting bilang ng mga tumatrabaho sa mga ito. Bukod doon ay pagod din ang mga ito sa magkasunod na laban kaya minabuti ni Clementine na ipagpabukas na lang ang paglilinis ng katawan matapos mamahinga ng karamihan. She just commanded them to collect the ZP of those high level zombies.

Meanwhile, isa sa mga alalahanin ni Clementine ay ang nangyaring pag-atake sa kanilang mansion. She was worried about Bel's health kahit pa sinigurado ng tumingin na doktor dito na napagod lamang ito at natutulog. Thankfully, Urse assured her na may mga mapapgkatiwalang nakabantay sa anak niya kaya gumaan ang loob niya.

Kinabukasan, habang abala ang lahat, Bel woke up. She saw Adele sleeping on the chair beside her bed. Mukhang pagod na pagod ito habang nakaub-ob sa kama niya. Bel feels her stomach grumble pero ayaw niyang gisingin si Adele so she carefully get out of her bed. She rubbed her eyes and yawned before wearing her fluffy slippers. Bitbit ang isang bunny stuffed toy ay marahan siyang nagpunta sa banyo para umihi. After washing her hands ay nagtungo siya sa kanyang pinto.

"Oh, gising ka na pala. Good morning, miss Bel." Masayang bati sa kanya ni Cadis pagkakita sa kanya. He was sitting on a chair just outside her room's door.

"Good morning too, Cadis. But why are you here? Didn't you sleep yet?" Tanong ni Bel.

Cadis chuckled bago ginulo ang buhok ni Bel. "Syempre, ako ang bantay mo. Don't worry, natulog na ako. May nakabantay na iba sa'yo kanina. Kakapalit lang namin. Tingnan mo, wala nga akong eyebags eh."

Inilagay ni Bel ang kanyang hintuturo sa ibabang labi. "But why are you guarding me?" Tanong niya. Although Cadis was always with her, he was usually waiting for her on their living room. He never guarded her outside her room, ngayon lang.

"Ahh, syempre ano..." Cadis doesn't know what to tell Bel kaya napapakamot siya sa ulo. Mukhang nalimutan nito ang nangyari ng pagtatangka sa kanya kagabi, which he thinks a good thing, kaya ayaw niyang may masabing makapagpaalala dito sa nangyari.

But he doesn't need to mention that dahil kusa nang naalala ni Bel ang nangyari. "Oh, you were guarding me in case the bad guys came again. Thank you, Cadis." Nakangiting sabi ni Bel.

Seeing her smile, Cadis swallowed and gave her a sad smile. He feels guilty dahil wala siya noong mga oras na inatake ang mansyon. Although it is not his working hour, he still feels that he should be there that time. Kung sana ay nandoon siya, maybe Bel won't experience something like that. Although she smiles innocently, hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip ng bata.

Pekeng umubo si Cadis at saka ngumiti. "Gutom ka na ba, miss Bel?" Pag-iiba niya ng usapan.

Kaagad na tumango si Bel. "Yes! Lets go to the kitchen, please."

Cadis chuckled before he leaned down and picked Bel up. Kaagad naman na ipinulupot ni Bel ang kanyang mga braso sa leeg nito. "Nakaluto na sila chef kaya sa dining room na tayo pumunta. Naku, paniguradong magugustuhan mo ang umagahan natin."

Kaagad na kuminang ang mga mata na Bel. "Oh, oh, what is it?"

"Hulaan mo~~"

Kaagad na napaisip si Bel. "Is it pancakes with strawberry?" Umaasang tanong niya. It's been a while since she ate strawberries. Although they are planting their own food now, including strawberries, ay limitado lang ang supply nila. Bukod sa matagal ang cultivation time, ibinabahagi rin ito sa mga myembro ng camp nila. That's why even if it is high unlikely ay umaasa siyang iyon ang umagahan nila.

Surviving in the New WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon