Chapter 30

120 11 0
                                    

Chapter 30

Valscom Kingdom, King's throne room

Katahimikan ang namayani sa bulwagan kung nasaan ang trono ng hari. Sa dulong gitnang bahagi ng silid ay nakaupo sa trono ang hari, katabi ang umiiyak nitong reyna na inaalo ng anak na lalaki. Bukod sa kanila ay naroon din ang ilang mapapagkatiwalaang opisyales at ilang maharlika. Sa gitnang bahagi namang ng silid, sa tapat ng trono ng hari, ay nakaupo sa isang silya ang isang babae, si dame Kristiana.

The reason why everyone was quiet was because of the device on the table, in front of dame Kristiana. Sa tabi nito ay nakatayo ang ilang lalaki na nagpapagana nito, hindi alam ang gagawin dahil sa tensyon sa paligid. Sa isang hindi nalalayong mesa naman ay nakapatong ang labi ni Austin.

"Sigurado ka ba sa ipinakita mo, dame Kristiana?" Seryosong tanong nang hari.

Kaagad na tumayo si dame Kristiana mula sa pagkakaupo. Kahit nahihilo pa siya ay kaagad siyang lumuhod gamit ang isa niyang tuhod. "Iyon ang ipinakita sa akin ng Tiates na nakausap ko, mahal na hari. Nandoon ako buong proseso nang basahin niya ang ala-ala ni sir Austin. Masyadong mabilis ang pangyayari at resulta kaya napakababa ng probalya na pineke niya ang ipinakita sa aking ala-ala. Napakaditelyado rin nito at naglalaman ng mga maseselang impormasyon na tanging ang mahahalagang tao lang sa ating kaharian ang nakakaalam. Isa pa, nakita ninyo naman ang ala-ala na sinubukan nilang kunin mula sa memorya ni sir Austin. Tumutugma ito sa ipinakita sa akin ng Tiates." Magalang na sabi ni Kristiana.

Nakarating si dame Kristiana sa Valscom kingdom kanina lang gamit ang portal. Dahil sa importante na madala agad ang katawan ni sir Austin at maihatid ang impormasyon na nakuha niya ay nakiusap si dame Kristiana sa hari, sa tulong ng ilang opisyal, upang gumamit ng portal. Matapos ang humigit isang araw na proseso ng mga dokumento at iba pang kailangan ay nakarating din sila pabalik sa kaharian.

Ilang oras lang ang nakakaraan, pagkadating na pagkadating niya ay kaagad siyang nag-ulat sa hari. Dahil sa kagimbal-gimbal na balita ay kaagad na ipinag-utos ng hari na eksaminihin ang memorya ng labi ni sir Austin. Kaagad rin siyang nagpatawag ng pulong sa mapapagkatiwalaang mga importanteng tao. Kahit pagod ay sumalang sa mga eksaminasyon si dame Kristiana. Gamit ang device na nasa lamesa, bagay na nagpapakita sa kayang ala-ala na parang projector sa tulong ng ilang awakeners na may kaparehong skill, ay ipinapanoon sa lahat ang memoryang ipinasa sa kanya ng Tiates nasi Rumi.

Hindi makapaniwala ang lahat sa napanood. Hindi nila maipagkakaila na si sir Austin nga ang nasa imahe, maging ang ilang importanteng tao ng kanilang kaharian. Ang ilan pa nga sa mga ito ay kasalukuyang nasa silid, mga pawang namumutla at hindi alam ang gagawin. Walang makakapagsabi na hindi kataksilan ang kanilang mga narinig at nakita mula sa ipinakitang ebidensya.

"May sasabihin ba kayo upang ipagtanggol ang mga sarili ninyo?" Matigas na tanong ng hari habang nakatingin sa mga taong pinapunta niya sa gitna ng silid. They are the people who were involve in the video. Pawang namumutla ang mga ito. May ilan sa kanila ang malakas ang loob at sinubukang magdahilan ngunit kita naman sa mukha ng hari at sa mukha ng iba na hindi naniniwala ang mga ito.

"Well, then. Sa ngayon, ikukulong kayo sa piitan hanggang sa mahatulan kayo sa inyong mga kaso. Mga kawal, dalhin ninyo na sila!" Kaagad na utos ng hari.

Kaagad na nagsipasukan sa loob ng silid ang mga gwardya nang papasukin sila ng kanilang kasamahan. May pag-aalinlangan man dahil sa lubos na kilala ang ilan sa mga taong huhulihin ay kaagad nilang sinunong ang hari. Nilagyan muna sila ng mana suppressing cuff sa mga kamay bago sila hinila palayo.

"Mahal na hari, pag-isipan mo itong muli! Isa itong malaking pagkakamali!"

"Kapag nalaman ito ng iba, tiyak na mag-aaklas sila!"

Surviving in the New WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon