Chapter 32

160 14 3
                                    

 Chapter 32

"Yuck! It's really gross." Reklamo ni Rumi habang naglalakad sila papasok sa building kung saan sila nagteleport upang sundan ang kanyang kapatid na si Al. Along the way ay kita nila ang mga nagkalat na katawan. Mayroong sariwa pa, nabubulok na, at ilang buto na lang ang tira. The fresh ones are probably his brother's and Paul's handiwork, base na rin sa sugat ng mga ito sa katawan.

"Rumi, lilibutin ba natin itong floor o bababa na tayo sa kasunod?" Tanong sa kanya ng kasamang si Stan na nakasunod lamang sa kanya. Iginagala nito ang mga mata sa paligid at alerto, handang gamitin ang hawak na sandata oras na may dumating na kalaban.

"Check lang natin saglit itong floor bago bumaba, in case na may nalingatan sila kuya." Sagot ni Rumi.

Natawa naman si Stan. "Gusto mo lang ata na may dahilan ka sa kapatid mo kapag nahuli niya tayo."

Saglit na ipinalig ni Rumi ang ulo dito, ang isang daliri ay nasa tapat ng labi. "Shh, baka nandito pa sila, marinig. Inilaglag mo naman ako." Kunwaring seryosong sabi nito kaya mas natawa si Stan.

The two of them continued searching the floor hanggang sa bumaba na sila. True enough, they sighted a few zombies on the other floors na kaagad din naman nilang pinatumba.

"Sabi ko sa'yo eh, may makikita tayong zombie." Pagmamayabang ni Rumi.

"Swerte natin, may nakita kang palusot." Pagtama ni Stan sa sinabi ni Rumi habang tinitingnan ang lalaki na sadyang minamantyahan ng dugo ang suot. It is not obvious pero maaamoy naman ito.

Humarap si Rumi kay Stan, nakataas ang dalawang kamay sa magkabilang gilid. "Ano, mukha na bang naglinis tayo?" Tanong nito, ibinibida ang katawan na may bahid ng dugo ng zombies. Natatawang tumango si Stan sa kanya pero kaagad itong natigilan ng mapatingin sa may likuran ni Rumi. Noticing the man's reaction, kaagad na naalerto si Rumi. He pulled his blade out of sheath pero bago pa niya ito tuluyang mahugot ay isang matigas na bagay ang tumama sa ulo niya. Kaagad siyang napayuko at hawak ang ulo, iniinda ang sakit. But thinking that there might be another attack ay kaagad na gumulong si Rumi paharap, palayo sa umatake sa kanya. He lifted his head to look at the zombie that attacked him pero kaagad din siyang nabato nang makitang ang kapatid niyang si Al pala iyon. Behind him is Paul.

"Ako, mukha na bang nagclear ng isang buong building?" Tanong ni Al habang ibinabalik ang espadang pinangpukpok sa kapatid sa pagkakasukbit.

"Kuya Al?"

Masungit na tinaasan ni Al ng kilay ang kapatid. "Ano, natulig ka ba? Pero imposible ata 'yun dahil sa katigasan ng ulo mo. Anong ginagawa ninyo ditong dalawa, ha?"

"Ah, ano, tumutulong lang kami kuya. Concern lang ako sa'yo kasi pagod ka na tapos lalaban ka pa sa mga zombies. Naglinis nga kami ng ilang floor, oh! May mga nakasalisi sa inyo." Dahilan ni Rumi.

Naningkit ang mga mata ni Al. "Tumutulong o naglalaro? Akala mo ba hindi ko nadinig ang biruan ninyo ni Stan? Ang lakas pa ng loob ninyong magbiruan dito. Paano na lang kung zombie pala ako? You'll lose your head in a second just because you are careless!"

"Ah...ano..."

"And don't dare to tell me na alam mong ako iyon. I saw your reaction!"

Ang dahilan na sasabihin sana na Rumi ay kaagad na naumid. Minsan ay napapaisip siya kung mind reader ba ang kapatid niya. Ang galing manghula.

Nagbuga ng hangin si Al bago naglakad papalapit sa kapatid. He offered his hand kay Rumi, bagay na tinaggap nito. After helping him stand up ay piningot niya ito sa tenga, dahilan kaya napa'aray' ang lalaki.

"Next time, maging alerto ka. Huwag kang kampante lalo na kung nasa laban." Seryosong sabi ni Al.

Napangisi naman si Rumi. "Opo, kuya." Bait-baitang sabi nito. Muling napabuntong hininga si Al. Wala na rin siyang nagawa kung hindi hayaan ito sa gusto. Sa kanilang tatlong lalakingmagkakapatid ay si Tus ang pinakamatigas ang ulo, but that doesn't mean Rumi is not hard headed. Minsan ay ginagawa na lang ang gusto at tumatakas kung hindi pinapayagan.

Surviving in the New WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon