22CF

4 0 0
                                    

Nadia's P.O.V


Bumalik kami sa sala nina Primrose. Pagdating ko doon, wala si Zale sa sala, at si Lance ay si Primrose pa rin ang tinuturuan, kaya nagtaka ako.



"Nasan si Zale—"



Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pumasok si Zale mula sa labas. May pag-aalala at nagmamadali ang expression niya kaya agad akong kinabahan. Napatingin at napatigil din sina Lance at Primrose sa amin.



"We have to go. Adie needs you." sabi niya pagkalapit sa akin.




Kinabahan ako at biglang nag alala para kay Adie. "Ano? Bakit? May nangyari ba kay Adie?"



"Is there a problem guys?" tanong ni Primrose dahil sa inaastang pag mamadali at pag hila sa akin ni Zale. 



"We need to go to the hospital now," sabi ni Zale sa akin habang hawak ang kamay ko at kinuha niya ang ilang gamit namin na nasa sofa. "Mauna na kami," paalam niya kay Lance na mukhang nag-aalala rin.



"Ingat kayo." habol na sabi ni Sophie na nag aalala din.



"Ano bang nangyayari? May masama bang nangyari kay Adie?" tanong ko kay Zale nang pagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan at pumasok ako doon.



Hindi muna niya ako sinagot at umikot sa unahan, nagmamadali ding pumasok sa driver's seat.



"Inatake sa puso si Tito Kristof. Kailangan ka ni Adie ngayon." Seryosong sabi niya. Nanlaki ang mata ko sa gulat.



"What?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Nagtiim bagang lang siya at nagmadali sa pagmamaneho.



Nilabas ko ang cellphone ko para i-message ang mga kaibigan ko tungkol sa kalagayan ni Tito para makapunta rin sila kay Adie.



queendioene:

'Oh my god, what happen? Im on my way'



thomasandprend:

'what the hell!!!'



zuki:

'papunta na din ako'


orderingcharles:

' saang hospital? malapit lang ako'

Callous Feelings (Captivated Series #1)Where stories live. Discover now