32CF

7 0 0
                                    


Adult Content Warning: This story contains themes and scenes that are suitable only for individuals 18 and older. Proceed with caution.


Nadia's P.O.V



"Congrats guys, Thesis defended!" pagco-congrats nang leader namin nang makalabas kami nang room kung saan ginanap ang defense namin.



"Congrats!" malaki ang ngiting sabi ko sa kanila.



Super, super nakakapagod nito. As in. Mabuti na lang at maganda talaga iyong napili naming topic. Pinuri pa kami ng aming thesis supervisor. Our study didn't get the 'Best Thesis Paper' award, but at least we presented it well and it's done.



"Kumain naman tayo. Let's celebrate," sabi ng isa kong kaklaseng lalaki, inakbayan pa ako para ayaing umalis.



Tumanggi ako at umiling. "May iba akong lakad e. Nakapag-promise na ako," sabi ko sabay alis ng kamay niyang nakaakbay sa akin.



Agad silang nagtampo. "Sumama ka na, Nadia," pamimilit nila.



Umiling ako at tumawa. Sakto namang tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Zimon doon. Pinakita ko sa kanila bilang pruweba. "Natawag na, sorry," sabi ko, at agad na silang tinalikuran.



Nakangiti akong naglakad palabas ng building namin at pumunta sa parking lot. Nakita ko agad si Zimon, nakasandal sa kanyang sasakyan. Bahagyang naka-pandekwatro ang paa habang nakatayo, ang isang kamay ay nasa loob ng bulsa ng pantalon, at ang isa ay may hawak na tatlong pulang bulaklak na may pulang ribbon sa stem. Mukhang kakalabas lang niya sa trabaho.



Nawala ang ngiti ko nang maalala ko na naman si Zale sa kanya. Umiling na lang ako para mawala ang imahe na nakikita ko kay Zimon.



"I'm sure, your thesis came out good," sabi niya agad nang makalapit ako. Nahihiya akong ngumiti nang iabot niya sa akin ang mga bulaklak.



"Thank you. May pa-flowers ka na naman."



And it's confirmed — si Zimon nga ang nagbibigay sa akin ng mga bouquet. Nagulat pa ako nang aminin niya iyon. Nawala na rin ang tawag ko sa kanya na 'Kuya' dahil pinipilit niya akong 'Zimon' na lang ang itawag ko sa kanya.



Matapos din pala nang nangyari sa central mall, nang muntik na akong masagasaan ni Zimon ay inuwi din niya ako. Madami akong message na natanggap sa mga kagroup ko at nag-aalala sa akin. Sinabi ko din naman agad sa kanila na okay lang ako.

Callous Feelings (Captivated Series #1)Where stories live. Discover now