21CF

6 0 0
                                    

Nadia's P.O.V


Nagising ako nang bandang 7:15. Pagkakuha ko sa cellphone ko at tingnan ang oras, napabangon ako agad. Pero sumakit lang bigla ang ulo ko dahil sa biglang pagbangon.


"Ow, shit!"


Nag-iba na ang pakiramdam ko pamula kahapon pero masakit pa din ang ulo ko.



Kailangan ko ng makapag-ayos agad dahil kakaunti na lang ang oras ko dahil almost 40 minutes din ang kailangan kong byahihin bago makarating sa UST. Ang bagal ko pa namang kumilos.




Dali dali na lang akong naligo at nag make-up lang nang kaunti. Nag-suot lang ako ng dress na blue na hanggang tuhod. Tube top iyon at nag suot lang ako ng white cardigan na hindi gaanong makapal. 


Tinapay, hotdog at scrambled egg lang ang nakain ko at konting gatas bago nag mamadaling nag-antay nang jeep na masasakyan. Nakita ko na tumunog ang phone ko at nakitang tumatawag si Zale.



"Where are you? Are you okay? Your not replying last night." agad na sabulong ni Zale ng sagutin ko ang tawag niya.



"Papasok na ako sa school. Baka ma-late pa nga ako. Syaka nakatulog ako kagabi, nilagnat kasi ako, but I'm fine now." sabi ko. May papalapit naman na jeep kaya pinara ko iyon. "Later na lang, Love. May jeep na, sasakay na ako." walang sabi sabing pinatay ko na ang tawag dahil tumigil na din naman ang jeep sa harapan ko.



Being sick really sucks.


-


Pagkadating ko ng school ay saktong 9 na. Mag lalaakd pa ako sa room ko! Mabilis ang lakad ko pero lalo lang sumasakit ang ulo ko dahil na dIn sa kakamadali at sa bahagyang init nang araw.



Pagkaakyat ko sa hagdan, nakita ko si Zale sa may pinto ng room namin. Nakasandal siya sa dingding at ang isang paa ay nakadikit sa dingding. Tinitingnan din niya ang relo niya at ang bawat corridor. Nang makita niya ako, agad siyang lumapit.



"May klase ka na ah." tanong ko.


" Are you okay?"



Nagkasabay kami doon pagkakalapit namin sa isa't isa. May klase na siya at sa tingin ko ay late na siya! Inantay pa ba niya ako?



"Zale, bakit andito ka pa? May klase ka na, late ka na doon panigurado. Inantay mo ba talaga ako?" Medyo hindi ako makapaniwalang tanong sa kanya.



"I can handle myself. Ayos ka lang?" Hinawakan niya ang noo ko. Hindi ko alam kung mainit paba ako pero kita ko ang sobrang pag-aalala sa mata niya.

Callous Feelings (Captivated Series #1)Where stories live. Discover now