13CF

11 0 0
                                    

Nadia's P.O.V



"I like you too, more than that."



Nagugulat talaga ako! Napakagat labi na lang ako habang hindi alam sang isasagot. I looked into his eyes, searching for any sign that he might be joking, but all I saw was sincerity and a tenderness that made my heart swell even more.  When he said the words, my heart skipped a beat, and for a moment, I wondered if I had heard him correctly. Nag iwas ako nang tingin dahil pakiramdam ko sobrang pula ko na.



Rinig ko ang bahagya niyang pagtawa. Nilingon ko ulit siya at hinampas ng mahina ang dibdib niya. The buttons of his shirt were undone down to the third one, revealing his silver necklace with a cross design.




"Totoo ba yan? Baka nag jojoke ka lang? Or napipilitan ka? Sabihin mo lang, baka pinagpupustahan niyo ako ng kaibigan mo." Sinabi ko na agad yung mga posibleng dahilan kung nag jojoke nga siya.



Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko at umiling. "I'm not joking. And we don't bet on you." Sagot niya, he look sincere! "Nadia, you're the one who make me feel like this." Sabi niya.




Namumula din ng bahagya ang tenga niya kaya hindi ko na mapigilang kiligin pa lalo. Bimitaw ako sa kanya at hindi mapigilang mag tatalon talon dahil sa saya. Napahawak pa ako sa bibig ko nang tumigil na sa kakatalon sa harap niya.




"Wag mo babawiin iyan ha!" Sabi ko at lumapit ulit sa kanya. Tinawanan lang niya ako at pinanood ang reaksyon ko.



"Are you that obsessed with me?" Tanong niya at napailing iling habang natatawa.



"Hindi naman no! Ikaw. Ikaw na ngayon ang gagawin kong obsessed sakin. Girlfriend material kaya ako." Sabi ko, nag mamayabang.




"Really? Are you my girlfriend now then?" Tanong niya.



Napaltan na naman ako nang gulat. "I'm still not. Tinanong mo na ba ako? E kakaamin mo lang sakin." Sagot ko.



Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Hinaplos muna niya iyon bago ako tingnan sa mga mata ko. Parang may nga paro paro na naman sa tiyan ko dahil sa mga tingin niya.



"Can you be my girlfriend then?" He asked still holding my hands and squeeze it a little. Kita ko ang konting kaba niya. Hindi ako makasagot agad dahil sa gulat. "I mean, I need to court you first. You don't really have to answer that." pagbawi din niya agad.

Callous Feelings (Captivated Series #1)Where stories live. Discover now