24CF

6 0 0
                                    

Nadia's P.O.V


I don't know kung ano na ang nangyayari sa paligid ko. Kahapon lang ay parang binibiyak na ang puso ko, pero ngayon, parang dinudurog na siya lalo na matapos kong makita iyong video nina Zale at Primrose. Sa GC lang namin ng mga kaklase iyon, at parang sinadya pa lalo ni Primrose dahil sa GC niya pa mismo sinabi na isend ang mga videos.



Sinamahan ako ni Sophie na makauwi kagabi. Nag-taxi kami pareho, at sinigurado niyang nakauwi muna ako. Hindi ko na maramdaman ang aking mga mata dahil sa sobrang tagal ng pag-iyak ko kagabi. Ni wala akong nare-receive na call o text kay Zale.


Hanggang ngayon na maghahapon na ay wala pa rin akong narereceive mula sa kanya. Nasa kwarto lang ako, nakahiga sa kama, at nakatulala. May paunti-unti pa ring luha na lumalabas sa mata ko. Pakiramdam ko ay hindi pa sila nauubos.



Hindi ko matanggap na kayang gawin ni Zale iyon. Para siyang nag-ibang tao. Parang hindi niya man lang naiisip na may girlfriend siya. Na kakahalik lang din niya sa girlfriend niya, at ilang minuto lang ay gusto na naman niyang humalik sa iba. Ang mga kamay pa lang niyang humahawak kay Primrose ay talagang nagpapakita na sadyang gusto niya ring mahalikan ang babae.



Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang may kumatok doon. "Ate, andito kaklase mo." rinig kong boses ni Nieves.



"It's me, Sophie." rinig ko naman ang boses ni Sophie sa likod ng pinto.



"Pasok." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nila sa pagitan ng pinto. Kailangan ko mapasalamatan man lang si Sophie dahil andiyan siya sa tabi ko at hindi ako iniwan kahapon. Kung wala siya ay baka hanggang ngayon ay pakalat kalat ako sa kalsada na parang basura.



Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Sophie. Umupo ako sa kama habang may unan sa kandungan ko.



"Kamusta ka?" tanong niya nang makaupo sa paanan ng kama ko.



"I want to thank you for yesterday." sabi ko, hindi sinasagot ang tanong niya.




Ngumiti siya nang pilit. Tiningnan niya ang mga mata ko. Nag iwas ako nang tingin dahil baka makita pa niyang maga ang mata ko.



"Umiiyak ka pa din ba hanggang ngayon?"


"Should I be happy then?" Pilosopong sagot ko,



Bumuntong hininga siya at malalim na nag-isip. "Hindi din ako makapaniwala na nagawa ni Zale iyon. I was also shock... Wala pa ba siyang na e-explain? Natawagan ka na ba?" tanong niya.

Callous Feelings (Captivated Series #1)Where stories live. Discover now