36CF

8 0 0
                                    


Adult Content Warning: This story contains themes and scenes that are suitable only for individuals 18 and older. Proceed with caution.



Nadia's P.O.V


Zale filed a leave for 4 days. Nakonsensya tuloy ako dahil ako naman ang dahilan kung bakit apat na araw siyang hindi papasok sa trabaho. Sa kagustuhan niyang makagala ako dito sa Belgium nang hindi mag-isa, umabsent muna siya.



"Nakikita ko 'to sa internet! Ang ganda pala sa personal!" tuwang-tuwa kong sabi habang tinitingnan ang paligid.



Napadpad kami sa isang magandang hardin dito sa Brussels na punong-puno ng iba't ibang klaseng bulaklak. Mula sa mga rosas na kulay pula, dilaw, at puti hanggang sa mga maliliit na daisy na tila mga bituin na nakakalat sa lupa. Ang bango ng hangin, parang may halong mga sariwang damo at halimuyak ng bulaklak. Ang daming butterflies na lumilipad-lipad sa paligid. Tahimik at payapa ang paligid, tila ba nasa ibang mundo kami.



"Ang sarap dito, Zale. Ang ganda ng hardin,"I said as I took a deep breath, savoring the fresh air.



"I know you'll like it here." Sabi niya habang nakangiting nakatingin sa akin. Nakatayo lang siya di kalayuan sa likod ko at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon.  Ako naman ay naka kulay baby pink na polo brand dress at longsleeves.



"Dadalhin ko dito si Mommy pag nakapagtrabaho na ako," sabi ko sa kanya at tumingin ulit sa paligid. Kinuha ko ang phone ko at nag-take ng napakadaming pictures ng lugar. Selfie at pictures naming dalawa ang mga ginawa ko. Pinicturan ko rin siya ng stolen para naman may maipost siya sa IG niya. Nag-post naman siya ng ilang pictures; ang karamihan ay ako o kaya kaming dalawa ang nasa feed niya. Flex na flex ako.



We also visit the well known Atomium. Hindi na kami nakapasok pa sa loob at nag picture na lang sa labas. Napakaganda ng pagkakatayo ng hugis atom na building. Lahat ng building dito sa belgium ay nakakamangha, parang nasa isang palasyo ka palagi.



Kumain din kami sa mamahaling restaurant at naka-steak pa. Mas mahal ang gastusin dito, pagkain o damit, mahal. Hindi natapos ang pag-gagala namin ni Zale. Tuwing uuwi kami, pagod na kaming dalawa. Minsan, nakakausap o nakakasama namin si Lance kasi gusto daw niyang maki-join. Sa susunod, si Sophie daw ang dadalhin niya dito. Sobrang nag-enjoy ako sa isang linggo naming magkasama. Minsan, ay inaantay ko siya sa condo niya nang makapasok na ulit siya sa trabaho matapos ang apat na araw niyang absent.



"Knock, knock." Ngiting-ngiti ako habang kumakatok sa condo ni Zale. I know the passcode, pero gusto kong pag-buksan niya ako ng pinto.



Nakakain na kami ng dinner sa labas. Sabi ko sa kanya ay manonood kami ng movie sa condo niya. Nagbihis lang ako sa unit ko ng red lingerie. Trip ko lang suotin. Hindi naman siya gaanong revealing; halos tuhod ko pa din naman ang haba, spaghetti strap nga lang.

Callous Feelings (Captivated Series #1)Where stories live. Discover now