33CF

7 0 0
                                    

Nadia's P.O.V



"Aalis din ako ngayon..."



Napamaang ako nang isagot niya sa akin iyon nang tanungin ko siya kung bakit nag bibihis na kami gayong ala singko pa lang nang umaga. 




Dito na kaming dalawa nakatulog matapos nang mangyari sa amin kagabi. Kanina nga lang ay dahan dahan niya akong ginising para sabihin na mag bihis na kami.



"Aalis ka? Bakit ka aalis?" takang tanong ko nang maibutones na ang huling butones nang aking uniform.



Nakatayo siya sa harap ko at nagsusuot ng kanyang pantalon. Kinuha rin niya ang damit na nasa sahig at sinuot bago ako nilapitan. Niluhod niya ang isang tuhod sa sahig para magkatapat kaming dalawa dahil nakaupo ako ngayon sa paanan ng kama.



"I have to go back to Belgium. Sumama lang ako kay Dad para makita ka," malungkot na sabi niya. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Kagabi lang ay sobrang saya ko dahil andito na siya. Pero ngayon, parang tinakasan na naman ako ng tuwa dahil madali lang pala siya dito at aalis na rin agad.



Hindi ako umimik at nag-iwas sa kanya ng tingin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na nasa binti ko, pero agad ko rin namang iniwas iyon. Nagtiim-bagang siya sa ginawa ko at nagbaba rin ng tingin.



"You'll get busy again. Ilang araw pa ulit bago ka tumawag at mag text. Fine. Ayos lang." sabi ko, hindi pa din nakatingin sa kanya at pinipigilan ang luha.




"I'll decline some projects, Nadia. Hindi naman malaki ang mababawas doon. I'll do anything para matawagan ka araw araw. Kasalanan ko din naman kasi tanggap ako nang tanggap nang work. Sasabihin ko din kay Dad na hindi ko na imamanage yung kumpanya niya at ibigay na lang kay Zimon para makaalis na din siyang pilipinas at malubayan ka." seryosong sabi niya habang hinuhuli ang aking tingin para mapatingin din sa kanya.



"Kailan ba matatapos ang pag seselos mo sa kapatid mo? He's not a treat that you think." sabi ko naman.




"He is." may galit na sabi niya. Tapos ay naging malambot din nang may maisip. "Paano kung makuha ka niya sa matatamis niyang salita? Mabilis ka pa namang kiligin." sabi niya at napailing iling pa.



Tinuro ko ang sarili ko, hindi makapaniwala sa kanya. "Are you serious?"



"Akala mo ba ay hindi ko nalalaman na nagbibigay siya ng bouquet sa'yo palagi? Ang gagong iyon, hindi niya ba maintindihan na may boyfriend ka na? At kapatid niya pa, ha," inis na sabi niya at tumayo. Hinawakan niya ang braso ko at pinatayo ako.

Callous Feelings (Captivated Series #1)Where stories live. Discover now