15CF

8 1 0
                                    

Nadia's P.OV



I looked at myself in the mirror. 'Di mawala-wala ang ngiti ko at nagpaikot-ikot na parang maarte. Mga one and a half hour akong nakapag-prepare.



I just wore a purple dress. Puff ang sleeves niya at pa-square naman ang pattern sa dibdib. Above the knee lang din ang haba. Nag Mary Jane's low heels na white naman ako at ang ginamit kong bag ay white na sling bag lang.



Lumabas na ako ng kwarto ko at dali-daling tumakas. Magte-text na lang ako mamaya kay Nieves na lumabas ako para pumunta kina Mizuki.



Si Zale nasa labas na din ng kanto ng barangay namin. Doon ko na lang siya pinaghintay kasi mahirap na, baka may makakita na sinundo ako ng isang poging lalaki, maisumbong pa ako kay Daddy.



I waved at him nang makita ko siya na nakasandal sa pinto ng passenger seat.



He waved back naman. Papunta sa kanya, bahagya akong nag tiptoe ako bago bumalik sa ayos na tayo at ang mga kamay ay nakahawak sa harapan at ang itsura ko ay sobrang nagpacute. Konting foundation at mascara lang nilagay ko sa mukha. Syempre, pati na din matte na lipstick, pinili ko talaga iyong medyo pinkish na red. Pati kissproof, hehehe.



Ngumiti siya at kinuha ang kanang kamay ko. As usual he observe my outfit again. Isa ito sa mga ngayon ko lang nalaman. Observative talaga siya sa soot ko. Hindi din naman niya ako sinasaway, may mga sinasabi lang, kagaya nung sa Batangas.




"You look great." Sabi niya matapos akong tingnan mula baba hanggang uluhan.



"Thanks, you too." Sabi ko. He's wearing a white long sleeve polo na nakatupi ang sleeve hanggang siko. He partnered it with brown slacks and he's also wearing his apple watch and ang bango niya! Amoy na amoy ko ang napakapaborito kong pabango niya.



"Nagpaalam ka?" tanong niya at pinagbuksan ako ng pinto.



Umiling naman ako bago pumasok sa loob. Nagtaka pa siya bago maisara ang pinto, bago umikot pakabila para makasakay sa driver's seat.



"Why?" tanong niya nang nakaupo at inistart na ang kotse.



"I can't," sabi ko at bahagyang ngumuso. Tumingin naman ako sa kanya. He's extra pogi today. Messy nang konti yung hair pero mukhang nag-gel din kasi nakaayos din yun. "Edi hindi tayo nakakapag-date kung magpapaalam ako. Hindi ko pwedeng sabihin kina Dad na may boyfriend na ako. You already met him naman, di ba?"



Sinulyapan muna niya ako saglit bago ibalik ang paningin sa daan. "Are you okay with this? We're not legal to your parents," sabi niya.

Callous Feelings (Captivated Series #1)Where stories live. Discover now