8CF

10 1 0
                                    

Nadia's P.O.V



Days past, and naiintindihan ko na talaga ang mga problem ni Chemistry. Thanks to Zale! Halos araw araw na kaming mag kasama dahil tinuturuan niya ako. May isang beses na boong araw kaming nasa Seattle kasi tinuturuan niya ako. Meron namang iba sa iba't-ibang coffee shop naman.




Minsan nga e' madalas pa kaming mag usap lang. Nag-o-open siya sakin kahit paunti unti dahil nangungulit ako ng tanong. Hindi na den s'ya gaanong cold kung makipag usap sa akin.



"Edi pede ko ding gamitin 'tong equation, sa pagkuha nito?" Tanong ko sa kanya at turo doon sa isang problem na same procedure lang ang ginawa niya.



Tumango siya at tinap ang ulo ko at ngumiti. "Your learning." Proud na sabi niya kaya kinilig ako.



Yung mga ngiti niya lang, sign na yun na okay na okay na kaming dalawa! After nung sa kwarto niya maaga na niya aking pinauwi kasi gagawa pa nga siya nang thesis at pinag papahinga ako dahil baka may hang over pa ako.



Tapos dalawang beses din na siya naman ang sumundo sa'kin sa room para sabay na kaming pumuntang Seattle.



"Andito na sundo mo, Nadia!" Sigaw nang isa kong kaklase na nasa pinto. Kaya napatingin ako doon.



At naandoon nga si Zale sa labas at nakasandal ang braso sa gilid nang pinto habang naka cross arm at nakatingin sakin, sakbit ang itim na bag sa isang balikat. Napangiti ako at agad kong inayos ang gamit ko dahil kakatapos lang ng klase.




"Iba na 'yan, Nadia. Pano ba i-crushback?" Kunwari naiiyak na sabi ni Sophie na may halong pang aasar.



Tumawa lang ako at nag paalam na sa kanila bago lumabas at lumapit kay Zale. First time niya akong puntahan, at sa room ko pa nga! Buti ay wala siyang pake sa paligid na iniisip tuloy na nagliligawan kaming dalawa. How I wish it's true.



"Tara na?" Masayang tanong ko.



"Sa library na lang tayo, uulan pa ata." Sabi niya at bahagyang hinawakan ang likod ko para ayain ako na mag lakad na. Inalis niya din agad nang maglakad na kami.



Kinikilig ako to the bones!


Callous Feelings (Captivated Series #1)Where stories live. Discover now