29CF

5 0 0
                                    

Nadia's P.O.V


"May sasabihin kasi si Zale."



Nilingon ko si Zale nang may tanong sa mga mata. Bahagya siyang umiling nang mapansin na hinihintay ko ang sasabihin niya.



"I'll just decline it," sabi niya, at agad namang umalma si Lance na parang nagagalit sa kaibigan.



"Are you high, dude? Hindi na pwede, syempre may usapan na kayo ni Tito," sabi nito.



"What is it?" Naguguluhan lang ako sa dalawa. Kinakabahan din ako dahil mukhang seryoso ito dahil naiinis na si Lance sa kaibigan. Hindi ako mapakali dahil sa tagal nilang sabihin ito.



"Ano ba 'yon?" atat na tanong ko. Nilingon ko ulit si Zale at hinawakan ang balikat niya. "Ano bang sasabihin niyo?"



"It's about work," maikli niyang sabi habang hindi tumitingin sa akin at nakakunot ang noo at nagdadalawang isip kung sasabihin ba iyong kanina ko pa tinatanong. Uminom siya ng wine at mas nag-iwas ng tingin.



Napataas ang kilay ko dahil doon. Then? I know naman na they have to work. After they graduate, nagpahinga lang din sila ng two months na parang bakasyon. Sabi niya rin sa akin nung nasa probinsya pa ako ay nagtatry na siyang mag-apply sa isang kilalang company malapit sa Makati.



"You pass? Iyon ba yung nabasa ko sa phone mo?" A smile flashed on my face. Nilingon niya ako at napakunot ang noo niya na parang nagulat sa sinabi ko. "It's good then!" masayang sabi ko. "Congrats, love!"



"They're going to another country, Nadia." 



Nilingon ko si Sophie nang magsalita siya, at nang masabi niya iyon, unti-unting nawala ang ngiti ko. What?



Lumingon ulit ako kay Zale nang hawakan niya ang kamay ko. This time, parang natatakot na ang mukha niya, na parang natatakot sa reaksyon ko.



"Sa ibang bansa ka matatrabaho?" tanong ko. Hindi ko alam ang dapat maramdaman. Naalala ko tuloy yung nag-uusap kami ni Lance sa van na nag-aapply nga sila ni Zale sa isang company. Is this the reason bakit nagbabakasyon kami ngayong apat? "Kaya ba inaya niyo ako dito?" naguguluhang tanong ko.



"I can just cancel my application, if you don't want me to leave." sabi niya sa akin. 



Umiling kaagad si Lance at tumingin sa akin. "Nadia, hindi namin pedeng i-cancel iyon. That's a very excellent campany. Mahirap makapasok doon, tinulungan pa tayo nang dad mo, Zale. Hindi natin to pedeng palampasin." sabi ni Lance dito.

Callous Feelings (Captivated Series #1)Where stories live. Discover now