20CF

10 1 0
                                    

Nadia's P.O.V


"May physics na tayo ngayon." malungkot na sabi ni Sophie unang araw namin sa second sem. 


"Kaya natin 'to. Kailangan lang nating makatulog nang apat na oras kada araw." medyo sarcastic na sabi ko.



Papasok na kami sa room namin para sa unang subject namin at kasabay namin ang ilang kaklase na namin last sem pa. Madami-dami kaming new classmates kasi ang iba ay nag-drop na last sem o kaya ay nag-shift. Dahil nga may mga nawala, nagkaroon naman ang iba ng slot para makapasok dito sa CpE.



At heto na nga kami sa reality ulit. Pasukan na naman. After din naman ng birthday ni Zale ay dumaan din ang Christmas. Hindi kami nagkasama noong 25 dahil nagpunta kami sa probinsya doon kina Mommy at dalawang araw kami nag-stay doon. Pagkauwi ko namang Manila ay nag-aya ang mga kaibigan ko na mag out of town. Nabusy din si Zale nang mga araw na iyon dahil sinasama daw siya ng mommy niya sa celebration noong bago nitong asawa. Hindi daw siya naging masaya doon at napipilitan lang.



Ang sumunod na naming pagkikita ay noong 29 na at nag date lang ulit. Nag arcade, sumakay nang rides at na nood nang cine together.



Lat week din bago mag pasukan ay mag kasama kaming namili nang ilan lang na school supplies. Bumili din siya nang bagong keyboard para sa pag cocode niya. One time din pinakita niya sa akin ang ilang code na nagawa niya at mga website at may mga GUI na ang iba.




Pagkapasok namin sa room ay naghanap kami ni Sophie ng mauupuan. May mga hindi kami kilala doon at iyong mga kilala naman namin ay binati namin at nginitian. 


"Dito na lang," sabi ni Sophie, may bakanteng dalawang upuan doon.



Nauna akong maupo at siya ay nasa kanan ko at nasa middle aisle ng room. Nasa third row kami at sa kaliwa ko naman ay isang babae na hindi ko kilala.



Napalingon lang ako sa kanya nang maramdaman kong nakatingin siya sa akin. Nakangiti ang maputing babae sa akin. Ang labi ay pinkish at mukhang may lahi. Maganda ang kilay, pisngi, at mga mata niya. Kinaway niya ang kamay sa akin.



"Hi! I'm a new student here, transfer lang." sabi niya. Siya na ata ang pinaka-magandang nakita kong bumagay sa uniform namin.



"Hi! Nice to meet you." galak na bati ko.



"What's your name? I want to be friends with you." masayang sabi niya at lumapit sa akin, Parang close na close nga kami sa pagkakalapit niya.



Sophie and I looked at each other. Sophie smiled slightly at the woman. "Hi," the girl greeting to Sophie.

Callous Feelings (Captivated Series #1)Where stories live. Discover now