7CF

6 1 0
                                    

Nadia's P.O.V



"Aray ko naman!" nagising na lang ako sa ingay ng mga katabi ko. Akma kong imumulat ang mga mata ko at gagalaw na sana nang bigla na lang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako doon.



"Ouchy! Ouch!" daing ko dahil sa hang over.


"Hoy, Nadia at Renz gumising na kayo, malapit na mag 12." boses ni Adie.




Dahan dahan ko namang minulat ang mata ko at inantay mawala ang sakit ng ulo. Nang medjo nawala na ay bumangon ako naupo sa higaan habang naka-indyan seat.


"Anong oras na?" namamaos na tanong ko kay Dieone na bagong ligo at nag susuklay nang buhok niya. Napatingin ako sa kabilang side ko at naandoon nga si Renz na natutulog pa din nang mahimbing.



"12 na gaga. Sobra kabang nakainom? Parang hindi naman."



"Nakakapagod din kaya." tukoy ko doon sa mga ginawa namin kagabi at tumayo na. Bahagya pa akong pagewang gewang habang naglalakad papunta sa CR ng kwarto ni Charles at doon umihi.



Pag kalabas ay hinanap ko ang iba naming kaibigan. Tulog pa din si Renz at wala na si Dieone sa kwarto at ang naandoon ay si Adie. "Nasaan ang iba?" tanong ko.




"Nasa pool area ulit, nag tatanghalian na kami. Maligo kana bilis, para makasabay kana samin." sabi niya at may kinuha lang na charger sa bag niya.



Tumango ako at kinuha na ang cellphone para sana tingnan kung anong nangyari na kahapon. Pero ganun na lang ang gulat ko nang makita na may message si Zale!



'what would I do with that?'


Tanong niya doon sa picture na sinend ko! And nakikita ang katawan ko sa selfie na 'yun! Tapos muka nga talaga akong lasing kasi mapula na ang pisngi ko at nakapikit pa!


'are you still partying?'



Sunod na message niya kagabi. Tapos meron pa na ngayong umaga lang niya sinend.



' tuturuan paba kita o hindi?'



Nanlaki ang mata ko nang mabasa iyon. Dali dali akong naligo at nag bihis. Habang nag aayos nga ay naapakan ko pa ang paa ni Renz dahil pauli-uli ako, kaya dumaing ito sa akin at nag sorry naman ako. Nagising na din siya dahil doon.



Dala ko pa naman ang mga gamit ko kahapon, pati laptop. Paglabas ko nang kwarto ay nag message na ako kay Zale.


'on the way na, sorry late, master'


Paglabas ko nang bahay ay dumeretsyo ako sa pool area para makapag paalam sa mga kaibigan ko.


"Enjoy kayo aalis na ako, bye!" Nag mamadaling sabi ko.


Tinawag pa ako nang mga kaibigan ko at tinatanong kung saan pa ako pupunta pero hindi ko na sila sinagot at dali dali na talaga akong umalis!


Callous Feelings (Captivated Series #1)Where stories live. Discover now