18CF

8 0 0
                                    

Nadia's P.O.V


"Welcome po--- Kuya Zimon?"


Ngumiti naman siya sa akin nang makita ako. Nagulat ako sa presensya niya! Pinalibot naman niya ang tingin sa flower shop namin.



"You remembered my name, huh." natatawa niyang sabi nang makalapit sa akin.



Nataranta agad ako sa nasabi niya at hindi nakasagot pa ulit kay Zale na nasa kabilang linya ng cellphone ko. "Because of Adie lang." sabi ko.



Tinuon ko ulit ang atensyon ko sa kausap kong si Zale, "I have to end the call na." sabi ko naman at pinatay na agad ang tawag.



Bahagya pang nilingon ni Kuya Zimon iyon. Ngumisi naman siya sa akin nang mas lumapit sa counter. Gosh, may pagkakahawig sila ni Zale. Makikita mo lang na may kakaibang aura si Kuya Zimon kasi mukha naman itong mabait at maamo ang mukha. Medium mullet ang style ng kanyang buhok at medyo pormal ang dating dahil naka-itim na business coat ito at puting inner long sleeves polo.



"Welcome po. Ano pong flower ang hanap niyo, Kuya Zimon?" ngiti ko at umayos nang tayo at bahagyang lumabas ng counter.



"Wag mo na akong tawaging kuya. Ang age gap natin ay hindi masyadong malaki para tawagin mo akong kuya. Just call me by my name."



"Sige po," sabi ko at ngumiti. It's a little awkward na hindi ko siya tawaging kuya.



Tumango siya habang nakangiti at muli niyang tiningnan ang shop. "Bouquet for a friend. May bago ba kayong arrangements?"



"Ah, dito po," sabi ko at inaya siya doon sa bouquet area kung saan naandoon yung kagagawa lang ni Mama na bouquet kaninang umaga bago siya umalis. Fresh na fresh iyon dahil may tube naman lahat nang bulaklak.



"Ako na diyan, hija," sabi ni Ate Lita nang makitang may kasama kaming customer.



Umiling naman ako at winagayway ang kamay. "Ako na po, ate. Kakilala ko naman po siya," sabay turo ko kay Kuya Zimon at nag-anat ng tingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin at parang masaya sa narinig.


Diba! Buti pa itong kuya ni Zale, minuminuto atang ngumingiti. Siguro kailangan ko ding makipag close kay kuya Zimon, sunod ay sa parents ni Zale para naman tagalang magustuhan nila ang magiging manugang nila.



"Ano po ba yung friend niyo Kuya--- I mean Zimon? He or She?"



"She," sabi niya nang maikli. "I'll buy this one," sabi niya sabay turo sa assorted rose bouquet na may kulay na pula, pink, at peach. May paper cloth din itong disenyo na puti at silver. Maganda ang arrangement at simple lang.

Callous Feelings (Captivated Series #1)Where stories live. Discover now