25CF

7 1 0
                                    

Nadia's P.O.V


Hindi ako iniimikan ni Daddy nang makarating kami sa bahay. Si Mommy naman ay nakatingin lang sa asawang naglalakad paakyat sa hagdan.



"Dad." tawag ko, pero hindi naman niya ako nilingon. Nangilid ang luha ko dahil ngayon lang nagalit si Daddy sa akin nang ganito. Tumingin naman ako kay Mommy. Hinawakan ko ang kanang kamay niya. "I'm sorry, Mom. I don't really want to cause a scene. Hindi ko naman po gustong makipag-away."



Tumango si Mommy at hinawakan pabalik ang kamay ko. "I'm not strict when it comes to boys, Nadia. Pero kung ganto lang ang mangyayari sa'yo, it's better na hiwalayan mo na iyong boyfriend mo at mag-focus ka sa pag-aaral." sabi ni Mommy.



Umiling ako kaagad at tumulo ang luha ko. "Mom, mahal ko si Zale... may hindi kami pagkakaintindihan kasi, itong si Primrose lang ang sumisira."



"Nadia..." Hinawakan ni Mommy ang dalawang braso ko at pilit hinuhuli ang mga mata ko na tumingin sa kanya nang deretsyo.



 "Then maybe that's a sign that you're not meant for each other, anak. Please, fix yourself." Sabi niya at hinawakan ang may gasgas kong pisngi dahil sa pagkakasampal ni Primrose. "Ayokong mas maapektuhan nito ang pag-aaral mo. Remember, sapat lang ang kinikita namin ng Daddy mo sa pagpapa-aral sa inyong tatlo. Your school has a high tuition, anak. Paano na lang kung kasama ka sa nasuspend? Anak, kailangan mong sumunod sa amin ng Daddy mo. Alam naming dalawa ang mas makakabuti sa'yo."



Pero luha lang ang naiganti ko kay Mommy saka tumango. Iniwan ako ni Mommy sa sala at sumunod kay Daddy paakyat sa taas.



Maglakad naman ako sa sala at naupo sa sofa doon. Napahawak na lang ang dalawang kamay ko sa aking mukha at mas lalong umiyak.



Hindi ako makapag-isip ng maayos, hindi ko alam ang dapat gawin pagkatapos nito. Ayokong hiwalayan si Zale, hindi ko kaya. Kahit na galit na galit ako sa ginawa niya, ayokong pakawalan siya. I just don't know how I can fix our relationship. How can I fix myself?



"Ate..."



 Agad kong pinunasan ang luha ko at umayos ng upo at nilingon ang tumawag sa akin na si Patrick. "May pumuntang lalaki dito kanina," sabi niya. Tiningnan niya ako na parang nag-iisip kung may sasabihin pa siya.


"Sino? Si Kuya Charles mo?" tanong ko.



Umiling naman siya. "Zale daw pangalan niya." sabi niya kaya agad nanlaki ang mata ko. 



"Pumunta siya? Nakausap mo? Bakit daw?" tanong ko.



Callous Feelings (Captivated Series #1)Where stories live. Discover now