11CF

8 1 0
                                    

Nadia's P.O.V


Tomorrow na 'yung outing namin. I'm so excited na!!! Pero ngayon pa lang ako namimili ng mga dadalhin ko na kulang pa ako. I'm still thinking kung anong isusuot ko pagpunta, pang swimming, pang bonfire, pang party, pang tulog at pang uwi.



Nasa mall lang ako, namimili mag isa. Si Sophie ay inaaya kong sumama pero need niya daw pumunta sa school ng kapatid niya para sa parent meeting daw.



Nakasuot lang ako ng simple high waist short na hindi naman sobrang ikli, and off shoulder top na color pink. Nakakorean headband din ako na light pink. I just wear skin tone na doll shoes and light pink shoulder bag na kasya lang ang wallet, phone at lipstick ko.



Nasa loob na ako ng Watson at hinahanap iyung gusto kong sunscreen. Ubos na 'yung ginagamit ko at sakto naman na need na need ko bukas 'yun. Sunscreen lang ang gusto ko sanang bilhin at ilan pang first aid kit like band aid and alcohol pero napatingin na din ako sa mga bagong labas na lotions and serum kaya nag tagal na ako sa Watson.



Nakadalawang oras na ata ako bago ako nakalabas at may dalang isang malaking paper bag. Sunod na pinuntahan ko ay bilihan ng swim wear. Sa woman area ako pumunta at nag hanap nang maisusuot.



I found white two piece. Ruffle trim short bikini iyon. I find this cute and sa tingin ko bagay sa'kin. Nagdadalwang isip ko kung kukunin ko ba pero in the end kinuha ko nga.




Naghanap pa ako ng damit na lang na pede kong maisuot bukas. Nagikot pa talaga ako at inabot na ako ng tanghali.



Dalawang paper bag sa kanang kamay at dalawa ding paper bag sa kaliwang kamay ngayon ang hawak ko.



"This is so stressing." Sabi ko ng makalabas na sa mall. Tumigil ako sa gilid ng exit at binitawan ko muna ang mga dala ko at kinuha ang cellphone para sana mag message kay daddy na mag papasundo ako kasi ang dami kong dala. Ang hirap naman mag commute pag ang dami mong dala.



I was about to click the call button sa contact ko kay Daddy nang biglang may umabot ng paper bag na nasa gilid ko. Galing ata siya sa loob ng mall kasi sumulpot siya sa likod ko.



Nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Zale! Aw I missed him! Ilang araw kaming hindi nag uusap. Hindi din ako nag chachat or message sa kanya.



"Anong ginagawa mo?" Tanong ko nang makuha na niya lahat ng paper ko. Nagulat ako na makita siya dito sa mall. I didn't expect to see him. Akala ko nga at next sem ko na siya makikita ulit.



"Let's go." Sabi lang niya ng hindi man lang ako tinitingnan. Parang may kuryenteng dumaloy sakin ng hinawakan niya bigla ang kamay ko para makatawid na kami at mag lakad papuntang parking nang mall.

Callous Feelings (Captivated Series #1)Where stories live. Discover now