26CF

7 0 0
                                    


Nadia's P.O.V


"Sorry for listening to your conversation po."



"Your the girl at the flower shop, hija." pag-aalala ni Tita kung saan ba niya ako nakita.



Ngumiti naman ako at tumango. "Kaibigan po ako ni Zale." I can't say na girlfriend niya ako dahil hindi na kami okay ngayon. "Zale told me everything po about his parents—not all, but..." Napakagat-labi ako dahil nagdadalawang-isip pa ako kung dapat ba talaga akong magsalita. Pero this is for Zale, at nandito na rin ako. "Alam niyo po bang napakalamig niyang tao sa paligid niya? Ang sama rin po ng ugali niya sa ibang babae. Pero nang mas nakilala ko siya, nalaman ko na mabait naman siya. Alam niyo rin po ba kung gaano siya mukhang malungkot kapag tinatanong ko siya tungkol sa parents niya? Nagagalit lang siya, hindi naimik, o minsan ayaw pag-usapan."



Tiningnan ko ang Daddy ni Zale, at nagbaba lang siya ng tingin na parang nagiguilty. I should say all the truth. Kung hindi kayang sabihin ni Zale sa kanila, then I should. "Hindi ko rin kayo dinadjudge sa pagpapalaki niyo sa kanya, kasi mabait naman siya. Dinajudge ko po kayo sa pagtrato niyo sa kanya. Lagi niyang sinasabi na kuya lang niya ang paborito niyo at hindi niyo siya napapansin."



Napatungo ang Daddy niya. "That's not true."



Ngumiti ako at umiling. "Kung makikita po kayo ni Zale na nag-aaway, sana ay wag na lang dito. Sana ay wag niyo na lang pong ipakita. Nasasaktan rin po ang anak niyo, naiipit din po siya. Sana bago niyo isipin ang sarili niyo, ay isipin niyo rin po ang nararamdaman ng anak niyo."



Hindi sila parehong nakaimik at parang iniisip lahat nang mga sinabi ko. Sana ngayon ay mas malinawan sila na hindi lang din naman tungkol ang lahat sa kanilang dalawa. Mas mabuting mag kaayos ulit silang mag asawa. Nang sa ganon ay mas maging ayos at masaya si Zale.


"Aalis na po ako." Sabi ko at bahagyang tumango sa kanila para magbigay galang at lumabas nang bahay.



Sumakay din ako agad nang taxi nang may mapadaan doon. Nag pahatid na lang ako sa bahay. Wala doon sina Mommy at Daddy. Nakita ko din naman sina Nieves at patrick na nag-aaral sa study room.



Agad na din akong naligo para mas mahimasmasan na. Nakakain na din ako nang almost two pm kaya ang dami kong naubos. After noon ay nag message ako sa mga kaibigan ko na nakauwi na ako at nag sorry din sa ginawa ko kagabi. Ang boys naman ay nagagalit dahil bakit daw ako nagpapakalasing nang ganoon. Nalaman din nila na hindi kami mag kaayos ni Zale kaya pati iyong kay Primrose ay nikwento ko na sa kanila at ang muntikang pagka-suspend sa akin.



Nag-aral ako sa hapong iyon sa kwarto ko. Kailangan kong ayusin ang mga notes ko lalo na't ang dami kong nalilikdangan dahil sa ilang subject na hindi ko inaattendan. Bandang ala sais ay tumunog ang cellphone ko at nang makita ang tumatawag ay nag dadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba.

Callous Feelings (Captivated Series #1)Where stories live. Discover now