28CF

5 0 0
                                    

Nadia's P.O.V


Naka-green sundress ako na spaghetti strap at naka-white beach sandals lang. Napaka dami ko atang damit na dala para lang pang picture. 



"Masyado bang malaki ang maleta ko?" tanong ko kay Zale nang makalabas kami ng bahay namin. Nasa harap na sila ng bahay namin, at si Sophie at Lance ay nasa loob ng van na bukas ang pinto. Ito na siguro ang sasakyan namin papuntang airport.



Tiningan ni Zale ang pink kong maleta bago kuhanin sa akin at siya ang naghila. "Its fine, alam kong madami kang dala." sabi lang niya kaya natawa ako.



"Hi lovebirds!" bati ko doon sa dalawa nang si Zale ay nag punta sa likod nang van para ilagay ang maleta ko. May driver naman sa unahan na sa tingin ko ay Driver nina Lance. Siguro ay pag kahatid sa amin ay ibabalik din niya sa bahay nina Lance. Before mag bakasyon ay nakumpirma na sa akin ni Sophie na sila na ni Lance. Pakipot pa! Type niya din pala ang lalake. 



Nagsimula ang byahe naming apat. Zale is sleeping in my shoulder papunta sa airport. Nag kwento sila sa akin nang naging bakasyon din nila. Nalaman ko din na nag apply si Lance at Zale sa isang company. Pag katapos sabihin ni Lance iyon ay iniba niya na agad ang topic.



"Were here na sa airport," sabi ko kay Zale habang marahan kong pinisil ang pisngi niya para magising. Nakangiti akong nakatingin sa kanya habang siya ay nakapikit pa, iniisip kung gaano kagwapo ng boyfriend ko.



"Tititigan mo na lang ba ako?" bigla siyang umimik habang nakapikit, sabay unti-unting iminulat ang mga mata niya.



Nagsimula nang bumaba sina Sophie at Lance mula sa sasakyan para kunin ang mga gamit sa likod. Hinampas ko si Zale nang pabiro bago siya tuluyang bumaba.



Inaantok na kinuha naman ni Zale ang gamit naming dalawa habang ako ay nagdala ng sarili kong bag. "Salamat po," sabi ko sa driver, at ngumiti ito bago pinaandar ang sasakyan paalis.



Ang passport ko ay nasa kanya, kaya sabay kaming pumasok sa airport habang nauuna sina Sophie. Maaga pa kami ng 40 minutes bago ang flight namin na 9:30 AM, kaya nag-check na kami ng mga bag at pagkatapos ay naghintay sa waiting area.



Habang naghihintay, inaya ko si Zale na mag-picture para sa Instagram story. Nakangiti siya habang nakalapat ang ilong niya sa pisngi ko, nakaharap sa akin, habang ako naman ay todo ngiti habang nakatingin sa camera.



Pareho kaming naka-white, ako ay naka-sleeveless na medyo turtle neck na top, paired with brown slacks at 3-inch white heels, samantalang si Zale ay naka-white button polo at brown slacks.



I posted the picture on Instagram at tinag siya. Agad naman niya itong ni-repost!

Callous Feelings (Captivated Series #1)Where stories live. Discover now