Chapter 29: A Girl Named Amelia

27 23 0
                                    

Third Person's POV

“Nagsisimula na talaga ang lahat ano?” tanong ni Misha na siyang nakatayo sa balikat ni Norn. Nakatingin ito sa harap gaya ng lahat ng naruon.

Nasa field sila ngayon kung saan ay nakapalibot sa kanila ang mga manunood sa di kalayuan habang sila ay nasa gitna. Kitang-kita ang himpapawid sa itaas at nakapaka-iliwalas ng panahon. Si Norn naman ay marahang kumukuha ng bumabagsak na maliliit na dahong dinadala ng hangin sa kanilang kinaroroonan.

Tila naman ay eksperto si Norn dahil ang mga maliliit na dahong kinukuha niya ay lumilipad pa rin sa himpapawid at imibis na kuhanin ito sa lupa o sambutin ay tila namimitas lamang siya ng bunga sa kaniyang harapan dahil sa paraan ng pagkuha niya ng dahon.

Ang lahat ay nakapila ng maayos sa pwesto na kanilang nais. Hindi magkakasama sa pila ang buong Sirius ngunit magkakahilera sila at magkakatabi. Hindi mawawala ang mga matang halos tunawin na si Norn sa titig. Naninibago sila ngayon sa ayos ng dalaga. Naka-braid kasi ng isahan ang buhok nito kaya kitang-kita ang maputi nitong leeg at mas lalong nasilayan ang kaniyang mukha dahil inalis din niya ang kaliwang parte ng bangs niya para isama sa nakatirintas na unahang parte ng kaniyang buhok.

Just like the others, she's wearing a black turtle neck with long sleeve. In the middle chest part of it was a small design of one of the Chantara symbol, sun and knight. And then their skirt, thigh, and the robe or the cloak.

As Norn pick the small leaves, she would put it on her palm. She was also listening to the soft wind with Eos beside her. Nakikinig lamang ang binata sa sinasabi ng punong guro sa unahan at panaka-nakang tumitingin kay Norn. Gaya ng iba ay apektado rin siya sa ayos ngayon ng dalaga.

Hindi nga lang sa paraan na gaya ng sa mga kabataan na naruon. Ngunit hindi niya itatanggi na kung nasa henerasyon niya ang dalaga o siya ang nasa henerasyon nito ay isa siya sa mga binatang naruon.

“So, survive and don't die during the battle, understood? You all have to walk through this alive. If you need a help, just accept one and there's a lot of people who's willing to lend you a hand.” huling paalala nito sa lahat.

“Survive and don't die because we will all gonna walk through this.... huh?.... Being alive..... what is it again?” bulong ni Norn habang nakatungo sa kaniyang mga palad at nakatingin sa camelia na binuo niya gamit ang pinagsama-samang mga dahon.

Napatingin naman sa kaniya ang binata dahil tila ay narinig nito ang winikang iyon ng dalaga. Ang problema lamang ay hindi nito ito masyadong naunawaan dahil napakahina ng boses niya.

Samantala ay hindi naman maalis ang tingin ng mga magulang ni Eos sa kaniya. Kanina pa nila ito minamasdan dahil na rin sa kay-tagal na mula ng makita nila ang kanilang anak. Ngunit mukhang malabo na makuha nila ang atensyon nito.

“Mahal kong emperor,” paghawak ng emperatris sa braso ng katabing Emperor. Inilapit naman nito ang tenga ngunit hindi inaalis ang tingin sa direksyon ng anak gaya ng asawa.

“What is it?” anito pa.

Kapansin-pansin na tila abala ang mga mata ng ating anak sa ibang bagay. Hindi ko makitang nasa iba ang atensyon niya dahil tila kahit saan siya tumingin ay iisa lamang ang nasa kaniyang isipan.” wika ng emperatris. Tinapik naman ng asawang emperor ang mga kamay nitong nakakawak sa kaniya na parang pinagagaan ang loob nito.

“Dumadating talaga ang mga kabataan sa puntong ganiyan. Malay natin ay manugang na ang ipakilala sa atin o baka naman ay apo.” tumingin siya sa emperatris ng may ngiti at napabitaw naman ito sa kaniya.

The Eternity's Lie [Part 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon