CHAPTER 3

7 1 0
                                    

Avian’ POV

“Ani! Ani! Pakisabi nalang na umuwi na ako kasi may emergency sa bahay ah” sabi ko habang nag aayos ng mga gamit ko sa table.

“Ha? Bakit? Anong nangyari?” tanong niya at tinulungan ako pag aayos ng mga gamit ko sa bag.

“Si Mommy kasi sinugod daw sa hospital” sabi ko.

“Ha? Si tita? Bakit anong nangyari?” tanong niya pa.

“Bukas na ako magpapaliwanag. I need to see mom first. Anima can you please take care of Tessa for me?” tanong ko bago umalis.

“Of course. Pakisabi kay tita take care and pagaling ha?” aniya.

“Thank You”.
.
 
“Mommy!” sigaw ko pag kapasok ko ng kanyang ward. Agad ko siyang niyakap kahit pa may naka kabit na dextrose sa kamay niya.

“Anak, hindi ako makahinga” aniya kaya napabitaw agad ako.

“Sorry mom”

“Ang OA mo naman anak” aniya pa saka ginulo ang buhok ko.

“Mommy, what happened?” tanong ko at naupo sa gilid niya. Nakaupo siya sa kanyang kama at nangiting nakatingin sa akin.

“Antayin natin ang doctor anak.” aniya. Nakahinga ako ng maluwag saka kinuha ang mansanas na nasa table at binalatan iyon.
“Mommy bakit wala sayong nag babantay dito?” tanong  ko at saka siya sinubuan.

“May pinabili lang ako kay Clara sa labas” aniya. Sinusubuan ko siya ng mansanas na binalatan ko bumukas ang pinto at iniluwa ‘non ang doctor na may kasamang nurse.

“How’s your feeling Mrs. Mercedes?” tanong niya kay mommy.

“I’m okay na doc. Wala namang masakit siguro ay nahilo lang ako kaya nahimatay ako” ani mommy at ngumiti.

Pinaliwanag ng doctor kung anong nangyari kay mommy, kung bakit siya nahimatay ay dahil wala siyang maayos na tulog. Bakit hindi siya natutulog ng maaga? Napatitig ako kay mommy habang kausap niya ang doctor. Makikita nga ang dark circle sa mata niya. Is it because of works?

Two days, nadischarge si mommy at pwede na daw umuwi. Nagpapahinga siya sa kwarto at ako naman ay nagbibihis.

“Daddy!” sigaw ko paglabas ko ng kwarto ko.

“Yes baby?” ani Daddy na kalalabas lang ng kusina, may dala siyang isang plato na ang nakalagay ay longganisa.

“Dapat si ate Clara nalang po pinagagawa niyo diyan Dad” ani ko saka tinulungan siyang magdala ng pagkain sa mesa.

“Kaya ko naman baby. Wait, why are you here? Diba may pasok ka pa?” nagtatakang ani niya saka ako hinalikan sa noo pagkatapos naming mailapag ang mga pagkain.

“Dad. I’m not a baby anymore! Gusto ko kasing bantayan muna si mommy and I know naman po na busy rin kayo dahil sa business.” angil ko saka nag pout. Tumawa si daddy saka pinindot ang ilong ko.

“You’re still my baby, thank you for taking care of your mom. Sorry for not visiting the two of you sa hospital, two days rin akong nasa company at sobrang daming papeles na kailangan kong aprubahan” aniya pa. Ngumiti ako at yumakap sa braso niya

“Dad okay lang. Naiintindihan ko po kayo saka okay naman na po si mommy, need niya lang po ng long rest. Huwag po muna nating pagtrabuhin si mommy, Dad.” Aniko na ikinatango tango niya.

“Yeah. That’s why I need to stay at the company for awhile pero okay lang ba sayo na umabsent ka sa trabaho mo?” aniya

“Dad, okay lang po. Saka hindi ko naman po pababayaan ang trabaho ko at may magbabantay naman po kay mommy habang nasa school ako. I know ate Clara will take care mommy for awhile” I said with a assuring smile on my smile. Dad smile at me too at hug me.

“Thank you anak.” Aniya “So tawagin ko muna ang mommy mo para makakain na tayo” aniya
.
.

“Avi, kelan mo ihaharap sa amin ang boyfriend mo?” ani Daddy.

*Cough *Cough *Cough

Inabutan ako ni mommy ng tubig saka hinamas ang likuran ko.

“Dad!” ani ko.

“What? Nasa tamang edad kana Avi, wala pa rin ba hanggang ngayon?” aniya pa.

“Oo nga naman anak. Gusto ko na ng apo” nakangiting sabi rin naman ni Mommy.

Napangiwi ako.

“Mom, Dad, wala pa yan sa isip ko!” ani ko saka sumubo ng kanin.

“It’s okay. Kami nalang ang gagawa ng another baby, diba sweetheart?” pilyong ani Daddy.

“Ikaw talaga Trimeo!” ani mommy saka hinampas si daddy ng mahina sa balikat.

“Hahahahaha”.

—•—

“Good morning class!” sabi ko pagkapasok ko ng classroom.

“Good morning ma’am Avi!” they said in unison.

“Take your seat!” ani ko.

“So yesterday we discussed about what?” I ask but nobody’s raising their hands.

“Anybody?” tanong ko pa pero wala pa ring tumataas.

“Wala bang nag aral sa inyo nong mga pinag aralan kahapon?” tanong ko pa. Umiling silang lahat.

May tumayong isang bata sa may dulong upuan malapit sa bintana. Solen.

“Yes, Solen?” ani ko pero nakatitig lamang siya sa akin.

“Solen?” tawag ko, pati nga kaklase niya ay nag aabang sa salita niya.

Misteryoso ang batang ito pero matalino sa klase may pag ka weird nga lang minsan.

“Ma’am darating na” ani Solen na diritsong nakatingin sa mata ko.

Dahil tahimik ang klase kahit mahina ang boses niya ay rinig na rinig iyon ng lahat.

“Alin ang darating?” nagtatakang tanong ko.

“Darating na ang sisira!” dagdag pa niya.

“Ha? That’s not our topic, Solen! What are you saying? Sisira ang ano?” tanong ko pa. Umupo ang bata at wala pa ring emosyon na nakatingin sa akin. Nagtataka man ay hinayaan ko na lamang.

MY BEST FRIEND IS THE MISTRESS Where stories live. Discover now